An-an
Ang tinea versicolor o mas kilala bilang an-an ay isang uri ng sakit sa balat na lumilitaw dahil sa impeksyon na dulot ng fungus. Karaniwan itong lumilitaw sa mga nasa edad 15 hanggang 24. Ang an-an ay mga kulay puting patse sa balat na pabilog ang hugis. Karaniwan itong lumilitaw sa mukha, balikat, dibdib, tiyan, at mga paa. Ang mga patse ay kadalasang makati.
Buni
Ang ringworm infection o buni ay sanhi ng fungal infection na madalas makita sa katawan, braso, at binti ng tao. Ito ay makakating patse-patse sa balat, mapupula at may mga parang kaliskis na nagbabalat. Ito ay nakakahawa kapag napadikit sa balat ng ibang tao.
Alipunga
Ang alipunga o athlete’s foot ay karaniwang makikita sa mga daliri sa paa at itaas na bahagi nito. Ito ay maaring makuha kapag madalas napapawisan ang mga paa dahil laging nakasuot ng medyas at sapatos. Ito ay nagdudulot ng labis na pangangati, pagbibitak-bitak, panunuyo, at pamumula ng balat. Nagsasanhi din iyo ng mahapding paltos, at hindi kaaya-ayang amoy sa paa.
Paano iwasan
Ang pagkakaroon ng kalinisan sa katawan ang pinakamagandang paraan upang maiwasan ang mga ganitong klaseng sakit sa balat. Ugaliin ang madalas na pagligo at paghuhugas ng katawan, pati na din ang regular na pagpapalit ng mga gamit gaya ng tuwalya at kumot. Makabubuti din kung iiwasan ang pagpapahiram ng mga pansariling gamit sa iba upang hindi mahawaan o makahawa.
Lunas
Para sa gamot sa buni, an-an, at alipunga, mayroong mga antifungal at skin fungal infection treatment na maaaring mabili over-the-counter.
Ang United Home® Whitfield’s Ointment ay gamot sa alipunga (athlete’s foot), an-an (tinea versicolor) at buni (ringworm) na madalas nagsisimula sa fungal infection. Mayroon itong pinagsamang Salicylic acid at Benzoic acid na may antifungal properties, at mild antibacterial activity.
Click link to purchase the product: https://www.unilab.com.ph/products/united-home-whitfield/where-to-buy