fbpixel

Our website uses cookies to help enhance your browsing experience. Continue to browse our site if you agree to our use of cookies as described in Unilab's Cookie Policy .

For information on how we protect your privacy, please read our Privacy Policy .

Skelan Banner

AGEING PAINS

Kung dati ay pasayaw-sayaw, ngayon ba ay aray-aray na?

AGEING PAINS

IBA’T IBANG ARUY SA PAGTANDA

Kung dati ay pasayaw-sayaw, ngayon ba ay aray-aray na?

Sa tagal nating ginagamit ang iba’t ibang parte ng ating katawan, hindi maiiwasan ang pabalik-balik na pananakit dulot ng wear-and-tear ng ating katawan sa pagtanda. Pero dahil dito, dapat bang iwasan ang pagkilos at paggalaw-galaw? Dapat bang tiisin ang sakit, pamamaga, at paninigas ng muscles at joints o kasu-kasuan?

Sa hindi pagkilos ay baka lalo lamang palalalain ang ating kondisyon, physically at emotionally. Dahil ang iba’t ibang pain, hindi lamang katawan ang naaapektuhan, kundi pati rin ang ating pang araw-araw na disposisyon o pananaw sa buhay.

Mabuti na alamin ang common aches at pains of ageing, lalo na kapag pabalik-balik o recurring, at kung paano giginhawa mula rito para tuloy lang sa mga gawain, sa pag-exercise, pakikipaglaro sa mga apo, pagluluto, at iba pang bagay na nagbibigay-saya sa atin.

ARTHRITIS o RAYUMA
Ito ay ang aruy o pananakit at pamamaga dahil sa pagnipis o pagpayat at panghihina ng cartilage at mga buto-buto. Nagdudulot din ng paninigas ng mga kasu-kasuan o joints, at minsan ay may pakiramdam ng nagkikiskisang buto. Sintomas din ang pagliit at panghihina ng mga masel o kalamnan.

GOUTY ARTHRITIS
Isa ring uri ng arthritis na dulot naman ng pamumuo ng uric acid sa mga kasu-kasuan, kadalasan sa mga daliri ng paa at kamay. Namamaga ang apektadong joint kapag may gout flare, at maaaring tumagal ng ilang araw ang sakit.

BACK PAIN o LOW BACK PAIN o SPONDYLITIS
Mararanasan ang sakit sa likod kadalasan dahil sa tagal sa isang posisyon tulad ng pagtayo, pag-upo, at paglalakad. Dahil din sa pagtanda at wear-and-tear ng ating katawan, pwedeng makaramdam ng sakit at magkaroon ng pamamaga sa gulugod o spine at pakakuba dahil matigas na ang mga buto sa likod at hindi na flexible.

NERVE PAIN at OTHER NERVE DAMAGE SYMPTOMS
Ito ay sakit na nararamdaman dahil nababawasan at nasisira ang connection o ang pagkakakabit-kabit sa pagitan ng nerve cells kaya nagpapadala ito ng incorrect o maling mga signal sa ibang parte ng katawan. Maaari ring merong mga nerves na naiipit kaya nakakaramdam ng sakit at iba pang sintomas ng nerve damage, tulad ng pamamanhid, pangangalay at tusok-tusok.

MUSCLE LOSS o SARCOPENIA
Ito ang panghihina at pagliit ng ating muscles. Nawawala ang lakas ng muscle o kalamnan na nakakaapekto sa balance, paglalakad at paggawa ng mga pang araw-araw na gawain.

PREVIOUS FRACTURE o BALI
Kung nadulas o nabalian dati, maaaring maramdaman ulit ang sakit pagtanda. Ito ay pwedeng dulot ng nerve damage, scar tissue, o kung magkaroon ng rayuma sa parte na nabalian.

Hindi man maiiwasan ang mga aruy na ito habang tayo ay tumatanda, maiiwasan naman ang paglala ng pananakit at mga sintomas kung aalamin ang mga tamang hakbang, treatment at management para tayo ay maging mas maginhawa at pain-free, lalo na para sa mga nakatatanda. Narito ang ilang tips.

  1. Ituloy ang paggalaw-galaw. Ugaliin mag-light exercise tulad ng stretching at walking. Pwede rin naman kumilos habang ginagawa ang mga hilig o interests tulad ng pagsasayaw at gardening.

  2. Learn something new. Kung tayo ay naaaliw sa isang bagay, mas hindi natin mararamdaman ang pain. Makatutulong din ang mga bagong hobby para mapagaan ang ating kalooban at mapasigla ang ating katawan anuman ang ating edad.
  3. Humanap ng maaasahan at magaling na partner sa masayang pagtanda. Huwag tiisin ang iba’t ibang pains na pabalik-balik tulad ng arthritis o rayuma, at nerve pain. Dahil tayo ay nagkaka-edad na, piliin natin ang gamot na magaling tulad ng Naproxen Sodium (SKELAN).
    ? Doctor-prescribed sa sakit at pamamaga
    ? Bilis-bisa in as fast as 30 minutes
    ? Nagbibigay ng todo long-lasting ginhawa up to 12 hours
    ? Mas tipid din at 9.50 SRP lang para isang 220mg tablet kaysa sa ibang Naproxen brands

Tandaan, huwag hayaang maging hadlang ang aruy na nararamdaman para maging mas masaya kasama ang pamilya at mga mahal sa buhay

Para sa dagdag na kaalaman, panuorin ang video na ito and visit our Facebook page. Sumali rin sa buwanang Facebook Live event ng Skelan Senior High. At kung may tanong, huwag mahiyang makipag-usap sa amin gamit ang Facebook Messenger.

If symptoms persist, consult your doctor.
ASC U055P091222SS

Was this article helpful?

Related Products