fbpixel

Our website uses cookies to help enhance your browsing experience. Continue to browse our site if you agree to our use of cookies as described in Unilab's Cookie Policy .

For information on how we protect your privacy, please read our Privacy Policy .

Restime Drops
Ano-ano ngabaangmgasanhingkabag?

Paano Nagkakaroon ng Kabag ang Mga Bata?

Bakit nagkakaroon ng kabag ang mga bata? Alamin ang mga posibleng dahilan at tamang paraan ng pangangalaga.


Hindi ba mapakali si baby, matambol ang tiyan, umiiyak, at laging gising kahit madaling-araw? Baka ito'y senyales na ng kabag. Pero syempre, bago natin matulungan si baby, kailangan muna nating malaman ang dahilan ng sakit na kanyang nararamdaman. Basahin ang sumusunod.

Alamin ang mga posibleng dahilan ng kabag sa bata at kung anu-ano ang mga paraan na pwedeng makatulong para makapagbigay ng kabag relief sa inyong mga anak.
Ilan sa mga pangunahing sanhi ng kabag ay ang mga sumusunod:

Bacteria Mula sa Digestion
May bagong panganak na sanggol ka ba na madalas iyak ng iyak, matambol ang tiyan at di makatulog o nakakaranas ng kabag"? Hindi ka nag-iisa. Ayon sa mga Pediatricians ng Children’s Hospital of Philadelphia (CHOP) na sina Julie Kardos, MD, at Naline Lai, MD, lahat ng sanggol ay madalas magkaroon ng kabag sa kanilang unang dalawang buwan ng buhay.

Sa katunayan, habang umiinom ang mga sanggol ng formula milk o breastmilk, ang pag-utot nila sa mga unang araw ay magandang senyales na nagigising o na-aactivate na ang kanilang bituka. Pero habang tumatagal, maaaring may mga manatili na ilang likido sa bituka na hindi natutunaw. Dahil dito, ang mga bacteria ay nagpo-produce ng gas bilang byproduct ng kanilang pagkain, na nagreresulta naman sa kabag.

Labis na Pag-Iyak
Kapag merong colic o laging umiiyak ang mga bata, natural na makalunok ng hangin ang ilan sa kanila. Ang paglunok ng hangin na ito ay maaaring magdulot ng pagbuo ng gas sa kanilang tiyan, na maaaring maging sanhi ng kabag.

Ito ay normal na bahagi ng kanilang development. Gayunpaman, may magagawa pa rin hakbang ang mga magulang upang magkaroon ng colic relief at maiwasan ang pagkakaroon ng kabag sa mga bata, tulad ng pagtapik sa kanilang likuran matapos kumain.

Masyadong Mabilis o Mabagal na Pag-Inom ng Gatas
Ang pag-inom ng gatas ng isang sanggol ay maaaring magdulot ng kabag depende sa bilis o bagal ng daloy ng gatas. Kapag masyadong mabilis ang daloy ng gatas mula sa bote o kung sobra ang supply ng gatas ng isang nagpapasuso na ina, maaring mapabilis ang pag-inom ni baby ng gatas, na maaaring maging dahilan upang siya ay ngumanga ng matagal at kabagan.

Sa kabilang dako, ang mabagal na pagdaloy naman ng gatas mula sa bote ay maaaring magresulta sa pagpasok ng labis na hangin habang umiinom si baby ng gatas, na maaring magdulot din ng sakit sa tiyan at kabag.

Bukod dito, nakakaapekto rin ang pamamaraan ng pagtimpla ng formula milk. Kapag binabaliktad ang bote ng powdered milk para kay baby, mahalaga na hayaang itabi muna ito ng ilang minuto bago ito ibigay sa kanya. Kapag sobra-sobra naman ang pag-shake sa gatas, mas maraming hangin ang maaaring pumasok sa bote ng gatas, na maaari ring magdulot ng kabag sa sanggol.

Mga Pagkain ni Mommy
Kung ang ina ng sanggol ay kumakain ng pagkain na maaaring hindi hiyang kay baby, maaaring maging sanhi ito ng kabag sa kanya. May mga sanggol na sensitibo sa ilang pagkain. Dagdag pa ito kapag kumakain ang mga ina na-absorb nila ang mga nutrients mula sa mga ito. Nagiiwan ang mga pagkain na ito ng traces ng mga ito sa gatas ng ina ay maaaring magdulot ng discomfort at gas sa kanilang tiyan.

Mahalaga ang pakikipag-usap sa tagaluto sa bahay upang siguruhing ang mga kinakain ng nanay ay angkop at ligtas para kay baby, lalo na kung kasalukuyang nagpapasuso si mommy.

Hindi Pagkahiyang sa Formula Milk
Kung hindi hiyang si baby sa formula milk, maaring ito ang sanhi ng kanyang kabag. Ang ilan sa mga sanggol ay maaaring magkaroon ng hindi magandang reaksyon sa ilang mga sangkap ng formula milk, na maaaring magdulot ng pagbabago sa kanyang tiyan at magresulta sa matambol na tiyan, iyak ng iyak o iba pang karamdaman na maaring magdulot ng discomfort kay baby. Mainam na alamin kung si mommy ay sang-ayon mag-breastfeed dahil ang gatas ng ina pa rin ang pinakamahusay na gatas para maiwasan ito.

Narito ang ilang mga payo na maaaring gawin ng mga magulang para tulungan ang kanilang sanggol na maiwasan ang kabag:

Tamang Posisyon Habang Nagpapasuso:

  • Kapag nagpapasuso ang sanggol, siguruhing nasa tamang posisyon ito. I-angat ang ulo ng sanggol gamit ang unan o pillow para maiwasan ang reflux.

Pagkatapos Magpakain:

  • Huwag agad ihiga ang sanggol pagkatapos kumain. Bahagyang i-angat ang likod ng sanggol gamit ang burp cloth o unan upang mapadali ang paglabas ng hangin.

Pag-iwas sa Gutom:

  • Siguruhing hindi sobrang gutom o sobrang busog ang sanggol bago ito patulugin.

Pagpili ng Tamang Formula:

  • Kung nagbibigay ng gatas formula, ito ay dapat na naaangkop sa pangangailangan at kondisyon ng bata.

Konsultasyon sa Pediatrician:

Kung tuloy-tuloy pa rin ang kabag, mahalagang kumonsulta sa pediatrician upang makakuha ng tamang payo.

Maaari ding subukan ang Simeticone (Restime®) Drops. Ito ay isang solusyon tulong para maiwasan ang kabag sa sanggol at sakit sa tiyan ng mga bata. Ito ay may Simeticone na tumutulong alisin ang trapped na hangin sa tiyan. Ang Simeticone (Restime®) ay ang most pedia-prescribed brand laban sa kabag.

Source: PMDI, IQVIA SOLUTIONS PHILIPPINES, INC., reprinted with permission - A02A - ANTACIDS ANTIFLATULENTS among PEDIATRICIAN covering the period: MAT December 2023 (January 2023 - December 2023)

If symptoms persist, consult your doctor.

ASC Reference No. U0027P111224R

References:
https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/colic#:~:text=Wh at%20is%20colic%3F,newborn%20babies%20may%20have%20it.
https://www.chop.edu/news/health-tip/how-help-newborn-gas#:~:text=As%20babi es%20drink%20formula%20or,Thus%3A%20A%20fart%20is%20produced.
https://www.thebump.com/a/gas-pain-baby

Was this article helpful?

Related Products