fbpixel

Our website uses cookies to help enhance your browsing experience. Continue to browse our site if you agree to our use of cookies as described in Unilab's Cookie Policy .

For information on how we protect your privacy, please read our Privacy Policy .

Tuseran Banner
Alin Sa Gamot Na Ito Ang Mas Bagay Sa Iyo?

Cough & Colds

Alin Sa Gamot Na Ito Ang Mas Bagay Sa Iyo?

Kilalanin ang [Dextromethorphan HBr, PhenylpropanolamineHCl Paracetamol] Tuseran Forte at [Diphenhydramine HCl, PhenylpropanolamineHCl] Tuseran Night


Nakakalito ba mamili ng gamot sa ubo’t sipon? Merong mucolytic o expectorant na tumutulong matunaw ang plema.  Meron din namang mga gamot na ginawa at pinag-aralan para sadyang magpatigil ng ubo’t sipon.  Makakatulong ito lalo na ngayong maingat ang mga tao pag nasa labas ng bahay.  May [Dextromethorphan HBr, PhenylpropanolamineHCl Paracetamol]

Tuseran Forte capsule kung ang gusto mo ay mapatigil ang ubo’t sipon pati headache (relief lasts up to 6 hours and works in as fast as 15 minutes).  May Tuseran Night syrup naman para sa ubo’t sipon pati itchy throat – kakaiba dahil nakakatulong ding makatulog.

Read on para sa karagdagang information tungkol dito - tulad ng kakaibang formulation nito, proper uses, right dosage, at mga posibleng side effects.  Ang galing ng TUSERAN, nagsisimula sa formulation nito. At hindi lang isa, kundi may dalawang klase na maaaring pagpilian mo, depende sa pangangailangan mo.

[Dextromethorphan HBr, PhenylpropanolamineHCl Paracetamol]
Tuseran Forte

Kung ang ibang medicines naka-focus sa iisang problema, ang gamot na ito ay may multi-stopping formula para lunasan ang ubo at iba pang sakit na sumasabay dito (relief lasts up to 6 hours and works in as fast as 15 minutes) dahil ito ay may clinically-proven ingredients tulad ng:

  • DXM (Detxromethorphan HBr) ay proven ng mga clinical researches na effective di lamang sa pagpigil  ng ubo (suppressant), kundi pati sa pagbawas ng dami ng  beses ng pag-ubo (cough count).
  • PPA (Phenylpropanolamine HCl) stops nasal secretions, tulad ng sipon, para maiwasan ang baradong ilong at mas madaling huminga. Napatunayan din itong mas magaling sa phenylephrine
  • Paracetamol na tried & tested pain reliever na sing-bisa ng NSAIDs (isang class ng drugs including Ibuprofen) pero mas safe.

Para Saan Ang [Dextromethorphan HBr, PhenylpropanolamineHCl Paracetamol] Tuseran Forte:
Para panlaban mula sa mga sintomas na dulot ng common colds, allergic rhinitis, sinusitis, flu at iba pang minor respiratory tract infections.

  • Ubo
  • Baradong Ilong – tumutulong ito na paluwagin ang sinus openings at daluyan ng hininga
  • Post Nasal Drip – ito ang pagdaloy ng sipon mula sa likod ng ilong pababa deretso sa lalamunan
  • Sakit ng Ulo - maaaring sumakit ang ulo dahil sa baradong ilong o dahil sa paulit-ulit na malakas na pag-ubo
  • Sakit ng Katawan at Lagnat

Epekto:  Works in as fast as 15 minutes at ang bisa tumatagal ng 6 na oras.

Tamang Dosage: Adults at mga batang higit 12 years old - orally, 1 capsule bawat 6 hours. Maaari ring inumin base sa rekomendasyon ng doctor.

Potential Side Effects: Maaaring magdulot ng pagka-antok (drowsiness); maging maingat habang nagmamaneho o pag gumagawa ng mga bagay na kailangan ng alertong pag-iisip.

Wag Inumin ang Gamot kung:

  • May allergy sa ingredients ng produkto
  • May high blood pressure o malalang sakit sa puso, maliban kung nirekomenda ng doctor
  • May anemia, sakit sa bato (kidney) o atay (liver), maliban kung nirekomenda ng doctor
  • Buntis o breastfeeding

Wag Pagsabayin sa mga Gamot o Substance na Ito:

  • Caffeine – ang pagsabay ng Phenylpropanolamine sa kape ay maaaring magpataas ng blood pressure. May ilang report ng malala o nakamamatay na hypertensive reaction pag pinagsabay sa caffeine.
  • Alcohol, Antihistamines, Psychotropics, and other CNS depressants – maaaring magdulot ng dagdag na anti-depressant effect pag pinagsabay ang mga ito at Dextromethorphan
  • Domperidone, Metoclopramide, - ang pag-absorb ng Paracetamol ay maaaring mapabilis ng mga gamot na ito
  • Cholestyramine - ang pag-absorb ng Paracetamol ay maaaring mapabagal ng gamot na ito
  • Sympathomimetic Agents (e.g. epinephrine)
  • General anesthetics (e.g. halothane)
  • Monoamine oxidase inhibitors (e.g. selegiline, moclobemide)
  • Tricyclic antidepressants (e.g. amitryptiline, imipramine)
  • Inhibitors of cytochrome P450 isoenzyme CYP2D6 (e.g. amiodarone, haloperidol, propafenone, quinidine, SSRI or selective serotonin reuptake inhibitors, theoridazine
  • Warfarin (blood thinning medicine)
  • Medicines for Convulsion (e.g. phenobarbital, phenytoin) – ang pagsabay nito sa paracetamol ay maaaring makasama sa atay

Sabihin sa doctor kung may iba kang gamot na iniinom tulad ng mga gamot sa ubo, sipon, allergy, sakit ng katawan, lagnat, lalo na ibang gamot na mayroong paracetamol.

[Diphenhydramine HCl, PhenylpropanolamineHCl]
Tuseran Night

Ito ay kakaibang gamot na nakakatulong sa pag-tulog habang nagbibigay-ginhawa laban sa ubo, sipon at makating lalamunan.  Dahil nakakatulong ito sa mahimbing na tulog pag may sakit, makakadagdag ito sa ginhawang ramdam mo.

    • Diphenhydramine ay isang cough suppressant at antihistamine na may sedating o nakakantok na effect para makatulong sa mahimbing na pagtulog.
    • PPA (Phenylpropanolamine) stops nasal secretions.  Ito ay may vasoconstrictor effect na tumutulong macontrol ang pagdaloy ng mucus para ma-prevent ang pag-bara ng nasal passages. It’s also been proven to be superior to phenylephrine.

Para Saan ang [Diphenhydramine HCl, PhenylpropanolamineHCl] Tuseran Night
Para sa ginhawa mula sa mga sintomas na dulot ng common colds, allergic rhinitis, sinusitis, flu at iba pang minor respiratory tract infections.

  • Ubo
  • Baradong Ilong – tumutulong ito na paluwagin ang sinus openings at daluyan ng hininga
  • Post Nasal Drip - pagdaloy ng sipon mula sa likod ng ilong pababa derestso sa lalamunan
  • Runny Nose
  • Sneezing o Pagbahing
  • Makati o maluha-luhang mata (itchy and watery eyes)

Tamang Dosage: Para sa adults at mga batang higit 12 years old, take 10 mL (2 teaspoonful) orally every 6 hours, o base sa rekomendasyon ng doctor.

Potential Side Effects: May cause drowsiness (antok); maging maingat habang nagmamaneho o pag gumagawa ng mga bagay na kailangan ng alertong pag-iisip.

Wag Inumin ang Gamot kung:

  • May allergy sa ingredients ng produkto
  • May anumang sakit na ito: narrow angle glaucoma, High blood pressure o malalang sakit sa puso, History ng stroke o intracranial hemorrhage, Porphyria (rare blood disease), Stomach ulcer o pagbara sa sikmura (gut) o pantog (bladder), Sakit sa bato (Kidney), maliban kung nirekomenda ng doctor
  • Buntis o breastfeeding

Wag Pagsabayin sa mga Gamot o Substance na Ito:

  • Alcohol
  • Gamot para sa anxiety o di maayos na pagtulog (e.g. alprazolam, imipramine, moclobemide, sertraline, etc.)
  • Ibang gamot para sa sipon o allergy
  • Ibang gamot na nakakaantok o nakaka-relax dahil sa posibilidad ng dagdag na pagka-antok
  • MAOIs o Monoamine Oxidase Inhibitors (e.g. phenelzine, selegiline, etc). Wag pagsabayin ang T.Night syrup sa mga gamot na ito o uminom ng T.Night syrup kung di pa nakalipas ang 2 linggo mula ng huling pag-inom ng MAOI.  Pag pinagsabay, maaari itong magdulot ng problema sa hypertension (agad at matinding pagtaas ng blood pressure na maaaring mauwi sa stroke)
  • Sympathomimetic agents (e.g. epinephrine, etc)
  • General anesthetics (e.g. halothane, etc)
  • Beta-blockers (e.g. carvedilol, metoprolol, propranolol) dahil ang diphenhydramine ay maaaring magpataas ng level ng beta-blockers sa dugo na maaaring magpataas ng cardiovascular effects ng mga gamot na ito.

Sabihin sa doctor kung may iba kang gamot na iniinom tulad ng gamot sa. ubo, sipon o allergy.

Ngayong mas kilala mo na at alam mo na kung gaano kagaling laban sa ubo ang [Dextromethorphan HBr, PhenylpropanolamineHCl Paracetamol] TUSERAN FORTE at [Diphenhydramine HCl, PhenylpropanolamineHCl] TUSERAN NIGHT, siguro iniisip mo na kung saan ba makakabili nito at magkano.  Maaaring mabili ito sa mga kilalang drugstores nationwide tulad ng Mercury, Watsons, South Star Drug, Rose Pharmacy, at iba pa. 

Presyo:

  • [Dextromethorphan HBr, PhenylpropanolamineHCl Paracetamol] Tuseran® Forte (SRP PHP 10.00 per capsule)
  • [Diphenhydramine HCl, PhenylpropanolamineHCl] Tuseran® Night (SRP PHP 125.00 per 60 mL bottle)

Maaari itong mabili sa mga kilalang drugstores nationwide.

Kaya pag may ubo, lalo na yung may ka-combo na sipon, sakit ng ulo, at kati ng lalamunan ang mga mahal mo sa buhay o ikaw mismo, mag-Tuseran na!

If symptoms persist, consult your doctor.
 

SOURCES:

https://www.unilab.com.ph/tuseran-forte/faqs

https://www.unilab.com.ph/tuseran-night/faqs

ASC Reference No. U129P070521TS, U0039P072623T, U0040P072623T

Was this article helpful?

Related Products