fbpixel

Our website uses cookies to help enhance your browsing experience. Continue to browse our site if you agree to our use of cookies as described in Unilab's Cookie Policy .

For information on how we protect your privacy, please read our Privacy Policy .

Tuseran Banner
Pwede ka bang Magkasakit Dahil sa Pabago-Bagong Panahon?

Cough & Colds

Pwede ka bang Magkasakit Dahil sa Pabago-Bagong Panahon?

Nakakaapekto ba talaga ang panahon sa pagkakaroon mo ng ubo, sakit ng ulo, at sipon? Alamin.


Dito sa Pilipinas, karaniwan na bigla na lang nagbabago ang panahon, lalo na kapag papalapit na ang tag-ulan. In one moment, ramdam mo ang matinding init, pero maya-maya lang, mapapahanap ka ng masisilungan dahil sa biglaang buhos ng ulan.

Ang realidad: di lang sapat na laging kang may dalang pamaypay o payong. Kailangan rin handa ang iyong katawan para sa mga weather changes na ito.

Pwedeng makadulot ng sintomas ng mga sakit tulad ng ubo, sakit ng ulo, at sipon ang pabago-bagong panahon. Dahil dito, maraming tao ang nagkakasakit kapag sila ay naulanan ng husto o nanggaling sa isang humid o maalinsangan na lugar at pagkatapos ay lilipat o mananatili kaagad sa malamig na area.

Pero alam mo ba na hindi ang panahon mismo ang nagdudulot ng mga nasabing sakit? Ang kapaligiran na nabubuo dahil sa pabago-bagong panahon ang maaaring sanhi ng pagkalat ng mga disease-causing germs at viruses.

3 Dahilan Kung Bakit Pwede Kang Magkasakit Kapag Nag-Iiba ang Panahon
Ang biglaang pagbabago sa weather at temperature ay maaaring makaapekto sa immune system. Dahil dito, pwede kang makaramdam ng ubo, sipon, at sakit ng ulo. May tatlong bagay na maaaring makapagpataas ng panganib para sa sakit sa mga panahong ito. Basahin ang sumusunod:

  1. Dry air: Ayon sa mga heath experts, ang mga virus na nagdudulot ng ubo, sakit ng ulo, at sipon ay pwedeng dumami sa dry air, lalo na kapag bumaba pa ang temperatura. Pwede itong maging dahilan ng iyong pagkakasakit.

    Higit pa dito, kapag ikaw ay nag inhale ng dry air, kikitid ang mga blood vessels na nasa upper respiratory tract para i-preserba ang init. Dahil dito, mahihirapan ang mga white blood cells na makapunta sa mucous membranes para labanan ang mga germs na nagdudulot ng sakit.
  1. Malamig na temperatura at mataas na humidity: Sadyang humid ang Pilipinas, kahit pa bumaba ang temperatura at lumamig ang panahon. Hindi ito nakakabuti para sa iyong kalusugan.

    Kapag umubo o bumahing ka, nagre-release ka ng mga virus at dumi sa hangin. The cold air can break down these particles at bibilis ang pagkalat nito sa kapaligiran para makahawa sa ibang tao. At dahil humid ang kapaligiran, malaki ang posibilidad na tatagal ang mga particles na ito sa hangin.
  1. Pagkukumpol-kumpol ng mga tao sa iisang lugar: Kapag biglang bumuhos ang ulan, natural na sumilong ang mga tao sa mga covered spaces tulad ng waiting shed o mga establishments tulad ng mall at restaurants.

    Hindi maiiwasan ang pagkakalapit o pagkumpol ng mga tao sa mga lugar na ito. Dahil dito, mas mabilis kumalat ang mga virus na nagdudulot ng mabilisang hawaan ng sakit.

Agapan ang Ubo, Sakit ng Ulo, at Sipon
Nararamdaman mo na ba ang mga senyales ng ubo, sakit ng ulo, o sipon? Huwag nang mag-antay. Uminom kaagad ng Dextromethorphan HBr Phenylpropanolamine HCl Paracetamol Tuseran® Forte.

Being ready with Tuseran® Forte can be good for you thanks to its multi-stopping formula na tutulong sa pagkontra sa sintomas ng ubo, sakit ng ulo, at sipon. Magagawa ito ng Tuseran® Forte dahil mayroon itong tatlong clinically-proven ingredients na subok na laban sa sakit:

  • Dextromethorphan HBr: Ito’y isang antitussive na nagpapatigil sa pag-ubo 
  • Phenylpropanolamine HCl: Ito’y responsable sa pagpapabuti ng paghinga dahil ito ay kilalang decongestant. Tumutulong ito sa pagtanggal ng bara sa iyong nasal passage at sinuses. Ang Phenylpropanolamine HCl ay tumutulong rin sa pagresolba ng postnasal drip. 
  • Paracetamol: Ginagamit laban sa lagnat, sakit ng ulo at katawan.

Maging handa sa mga epekto ng pabago-bagong panahon with the help of Phenylpropanolamine HCl Paracetamol Tuseran® Forte. Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa gamot na ito, visit this webpage today.

If symptoms persist, consult your doctor.
ASC REF CODE U010P061422TS

 

References:
https://www.cdc.gov/features/rhinoviruses/index.html
https://health.clevelandclinic.org/can-weather-change-make-you-sick/
https://www.mountelizabeth.com.sg/healthplus/article/weather-changes-cold-vs-flu
https://www.piedmont.org/living-better/can-a-sudden-change-in-the-weather-affect-your-health
https://www.healthline.com/health-news/can-a-sudden-drop-in-temperature-make-you-sick
https://www.gohealthuc.com/library/5-ways-prevent-getting-sick-weather-transitions

Was this article helpful?