fbpixel

Our website uses cookies to help enhance your browsing experience. Continue to browse our site if you agree to our use of cookies as described in Unilab's Cookie Policy .

For information on how we protect your privacy, please read our Privacy Policy .

Tuseran Banner
Ubo, Sipon & Headache: Ordinayo O Mas Seryoso Na?

Cough & Colds

Ubo, Sipon & Headache: Ordinayo O Mas Seryoso Na?

Kilalanin ang mga sintomas ng ubo’t sipon tulad ng sakit ng ulo, makating lalamunan o dry cough | Kailangan na bang ikonsulta sa doktor? | Mga Sanhi at Gamot


Wala na sigurong ibang sakit na tuloy na nakakaapekto sa mundo tulad ng mga sakit na ito: ubo, sipon, at sakit ng ulo. Kaya lang, ngayong may pandemya, medyo nakaka-praning kung nagkaroon ka ng ubo - kahit na milyun-milyong tao naman ang nakakaranas nito sa isang taon dahil sa common viruses. Sa artikulong ito, matututo kang alamin kung anong klaseng ubo ang mayroon ka (kung ito’y tuyong ubo o ubong may plema) at ano ang tamang gamot sa ubo para sa iyo. Marami kasing gamot na pagpipilian: mucolytic, antitussives, o expectorants. Madalas, sapat na lunas na ang over the counter na gamot. Pero para mas sigurado at di ka kabado, alamin mo rin kung ano ang senyales na kailangan nang komunsulta sa doctor.
 

MGA SINTOMAS AT MGA POSIBLENG SANHI NITO

Sipon. Pananankit ng lalamunan (sore throat) at walang hintong pagtulo ng sipon (runny nose) ang una mong mararamdaman, at maaari itong sundan ng pag-ubo at pagbahing (sneezing). (1) Maaari ka ring magkaroon ng post-nasal drip, kung saan ‘yung uhog (mucus) ay tumutulo sa likod ng lalamunan kaya nagiging makati ito.

Bakit nga ba tayo nagkaka-sipon? Kadalasan ang sanhi ng sipon (colds) ay viruses tulad ng rhinoviruses, coronaviruses or influenza (flu) viruses. Minsan, nagkakapareho ang mga sintomas na dulot ng viral infections at bacterial infections tulad ng pag-hatsing (sneezing) o maaaring tumuloy na maging ubo at lagnat.  Ito ay mga paraan ng immune system para tanggalin ang mga infectious organism sa ating katawan. (2)

Ubo. Ang dry cough ay ubo na walang plema. Ang wet cough may kasamang plema.

  • Sa dry cough, maari kang makaramdan ng makati o itchy throat, ‘yung parang kinikiliti ang lalamunan at ito ay dahil may irritation o infection sa lalamunan. (3) Pag di nawalayung kiliti o kati, pwedeng lumala ito at maging sensitive ang lalamunan.  At dahil walang plemang lumalabas, maingay o parang pumuputok (hacking) ang tunog pag umubo ka.
  • Iba naman ang wet (Phlegmic) Cough. Nagkakaroon ng plema para mapa-alis ang sanhi ng irritation sa airways. (4)  At dahil may plema, may wheezing sound o parang sipol na tunog kapag umubo.  At pag nag-build up na sa baga (lungs) ang plema, maaari kang makaramdam ng paninikip sa dibdib at hirap sa paghinga.

Anu-ano ba ang mga sanhi ng pag-ubo?

  • Ang ubo ay maaaring dahil sa sipon.  Pag lumala ang sipon mo, maaring ma-irritate ang lalamunan kaya nakakaramdam ng kiliti na magpapa-ubo sa iyo
  • Ang ubo ay maaari ring dahil sa mga bagay sa paligid na nagdudulot ng irritation (usok, amoy, noxious fumes), kalagayan ng hangin (malamig na hangin o dry air at humidity), at pati na mga ibang gawain (pagsasalita, pag-ehersisyo, pag-kain).

Pananakit ng Ulo. Maraming ibang klase ng headache pero kung mayroon kang sipon o ubo, isa sa iyon ang malamang na dahilan ng sakit ng ulo.  Ang pananakit na ito ay dulot ng pressure kapag naiipon at nagbabara ang uhog (mucus) sa sinuses at nasal passages. (5) ’Yung mismong pag-ubo, pwede ring maging sanhi ng headache, tinatawag na “cough headaches”. (6) Dahil sa pwersa ng pag-ubo, makakaranas ka ng matalas, stabbing, o matinding sakit sa harapan ng ulo at maaari itong tumagal mula ilang segundo lang o sintagal ng ilang oras. (7)

Ang mga sumusunod ay maaaring dahilan ng acute but short-term headache:

  • Stress
  • Epekto pagkatapos uminom ng alak (Alcohol hangover), pagtigil ng pagka-kape (caffeine-withdrawal) o gutom
  • External substances tulag ng usok ng sigarilyo na nalalanghap sa paligid (second-hand tobacco smoke), allergens, malakas na amoy mula sa household chemicals o pabango
  • Environmental factors like pollution, noise, lighting, and weather changes (8)
  • Maaari rin itong namana na kondisyon (genetics). Kung may family history ka ng migraine, mas pwedeng madali kang magkaroon ng headache dahil sa mga bagay sa paligid, o ilang pagkain.

Karaniwan bang maramdaman ang ubo, sipon at headache nang sabay-sabay?

Maaari kang magkaroon ng ubo lang or sakit ng ulo lang, pero kung nauna sa mga sakit mo ay sipon, malaki ang posibilidad na magkaka-ugnay ang mga ito.  Pag sinipon ka, maaari ka ring ubuhin. At pag nagtuluy-tuloy ang sipon o sobra ang pag-ubo mo, maaari ka ring makaramdam ng pananakit ng ulo.  Pag nagbara ang mga sinuses at nasal passages dahil sa sipon, nauuwi ito sa headache.
 

KAILAN DAPAT KUMONSULTA NA SA DOKTOR

Magsigurado at kumonsulta na sa doktor pag ma-obserba mo ang alinman sa mga sumusunod:

  • Kung 2 linggo na, di pa rin nawawala ang ubo mo
  • Kung ‘yung plema mo ay hindi malinaw o puti ang kulay.  Ang ibang kulay ay pwedeng senyales ng mas malalang sakit: brown ay pneumonia, itim ay fungal infection, pula ay TB o heart failure.
  • Kung 45 years old at may history ng paninigarilyo nang ilang dekada
  • At kung ang pag-ubo mo ay may kasamang iba pang sintomas: lagnat, hirap sa paghinga, pamamaos (hoarseness), biglang pagbaba ng timbang, pamamaga ng ibabang binti o kamay, biglaang pagbigat ng timbang, hirap sa paglunok pag kumakain o umiinom, pagsusuka.

Kailangang matignan ng doctor at ma-diagnose kung may mas malalim na dahilan ang sakit mo at hindi lang pangkaraniwang nagmula sa sipon o trangkaso.  Kung bacterial, kakailanganin mo ng reseta para sa gamot na hindi nabibili over the counter. At dahil hind pa tapos ang pandemya, importante ring masigurado na hindi ito COVID para sa mga taong may ubo na may kasabay na lagnat.
 

TAMANG PARAAN NG PAG-GAMOT SA SARILI (SELF-MEDICATE)

May iba-ibang mapagpipilian na gamot sa ubo, sipon at sakit ng ulo

Para sa sipon, may decongestant Phenylpropanolamine na nagpapatigil ng sipon at headache nang sabay (relief lasts up to 6 hours and works in as fast as 15 minutes).  Ang Phenylephrine ay ibang klase ng gamot na nakaka-tulong din sa sipon.

Para sa ubo, maraming pagpipilian:

1.) Mucolytics at expectorants na nagpapaluwag ng madikit na plema lalo na kapag nagdudulot ito ng paninikip ng dibdib

2.) Bronchodilators na nagpapa-relax ng lung muscles para maging mas madali ang paghinga, ito ay prescribed ng mga doktor para sa long-term conditions tulad ng asthma. (9) 

3.) Antitussives ay cough suppressants (clinically proven na nagpapa-bawas ng dalas ng pag-ubo) na ginagamit para magpa-tigil ng paulit-ulit na ubo (dry cough) na maaaring magdulot ng pag-sakit ng lalamunan kapag walang plema.

Para sa sakit ng ulo, ang Paracetamol ay subok na kahit sa mga buntis. At para sa headache dahil sa sipon, ang decongestants ay tumutulong magpagaling dahil inaayos nito ang pagbara ng sinus at nasal passages na dahilan ng headache, para magdulot ng ginhawa mula sa sakit ng ulo.

At dahil pwedeng magsabay-sabay o magkasunud-sunod ang ubo, sipon at sakit ng ulo,bakit di mo piliin ‘yung gamot that na nagbibigay-ginhawa sa lahat ng ito?

Ang TUSERAN ay may multi-stopping formula na pinagsama ang clinically-proven ingredients na malakas sa pagtigil ng ubo at kasama nito tulad ng sipon at sakit ng ulo. At may dalawang klase na pwedeng pagpilian: (10)

[Dextromethorphan HBr, PhenylpropanolamineHCl Paracetamol]
Tuseran Forte
Stops ubo, sipon & headache (relief lasts up to 6 hours and works in as fast as 15 minutes) dahil formulated with:

  • DXM (Detxromethorphan) ay subok na isang cough suppressant na napatunayan sa clinical researches na nagpapabawas ng dalas ng pag-ubo. Ito ay ni-rerekomenda ng mga doktor na gamot para sa dry cough.
  • PPA (Phenylpropanolamine) stops nasal secretions at pinipigil ang pagbara ng nasal passages. Mas magaling din ito sa phenylephrine.
  • Paracetamol ay tried and tested pain reliever

[Diphenhydramine HCl, PhenylpropanolamineHCl]
Tuseran Night
Ito ay may sedative properties (nakakaantok) na nakakatulong magpatulog habang nagpapatigil din sa ubo, sipon at makating lalamunan (relief lasts up to 6 hours and works in as fast as 15 minutes). Formulated with:

  • Diphenhydramine - a cough suppressant & an antihistamine (anti-allergy). Ito ay ni-rerekomenda din ng mga doktor na gamot para sa dry cough
  • PPA (Phenylpropanolamine) – pinapatigil ang nasal secretions (uhog) at pinipigil ang pagbara ng nasal passages. Mas magaling din ito sa phenylephrine.
  • Dahil syrup, may hagod na bumabalot sa lalamunan
     

[Dextromethorphan HBr, PhenylpropanolamineHCl Paracetamol]  Tuseran Forte Capsules at [Diphenhydramine HCl, PhenylpropanolamineHCl] Tuseran Night Syrup work in as fast as 15 minutes. At may ginhawa mula sa dry cough (tuyong ubo) at ibang sintomas nito for as long as 6 hours.

If symptoms persist, consult your doctor.

 

SOURCES:

(1) https://www.cdc.gov/features/rhinoviruses/index.html

(2) https://www.webmd.com/a-to-z-guides/bacterial-and-viral-infections

(3) https://www.medicalnewstoday.com/articles/324912#COVID-19

(4) https://www.medicalnewstoday.com/articles/324912#COVID-19

(5) https://www.healthline.com/health/runny-nose-and-headache

(6) https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/primary-cough-headaches/symptoms-causes/syc-20371200

(7) https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/primary-cough-headaches/symptoms-causes/syc-20371200

(8) https://www.webmd.com/migraines-headaches/migraines-headaches-basics

(9) https://www.nhs.uk/conditions/bronchodilators/#:~:text=Bronchodilators%2520are%2520a%2520type%2520of,by%2520inflammation%2520of%2520the%2520airways

(10) All information in this section have been sourced from: https://www.unilab.com.ph/tuseran-forte/faqs and https://www.unilab.com.ph/tuseran-night/faqs

ASC Reference No. U130P070521TS

Was this article helpful?

Related Products