fbpixel

Our website uses cookies to help enhance your browsing experience. Continue to browse our site if you agree to our use of cookies as described in Unilab's Cookie Policy .

For information on how we protect your privacy, please read our Privacy Policy .

Tuseran Banner
6 Tips Para Iwas-Sakit Pagbalik sa Opisina

Cough & Colds

6 Tips Para Iwas-Sakit Pagbalik sa Opisina

Babalik ka na ba sa opisina? Eto ang mga tips na pwedeng subukan para maiwasan ang ubo, sipon, o headache.


Pagkatapos ng matagal-tagal na panahon ng pagtatrabaho mula sa bahay, may mga kumpanyang bumabalik na sa opisina. Although exciting ito para sa mga ilan na na-miss ang kanilang mga katrabaho at dating gawi, wag sanang kalimutan na dapat gawing prioridad ang kaligtasan at kalusugan ng lahat.

Para makaiwas sa sintomas ng sakit tulad ng ubo, sipon, at sakit ng ulo, tandaan ang mga tips na’to.

#1: Siguraduhing may sapat pa rin na social distancing.
While exciting nga na makita in person ulit ang iyong mga officemates, minsan sa sobrang saya ay nakakalimutan na nating i-practice ang social distancing.

Pero do not worry, pwede pa rin kayo mag-kumustahan with proper social distancing. Siguraduhing laging may pagitan mula sa ibang kasama sa opisina.
Depende sa available space, pwede rin iurong ang lamesa o upuan para magkaroon ng distansya mula sa iba.

Kapag may meeting o handaan sa opisina, huwag magsiksikan sa iisang lugar. At kung maaari, huwag magkumpulan sa iisang kwarto o sa elevator.

#2: Tandaan at sundin ang health and safety policies ng iyong gusali at opisina.
Keeping everyone safe starts with you, kaya sundin as much as possible ang mga patakaran sa iyong gusali o opisina. Ang bawat gusali o opisina ay may kanyakanyang mga patakaran sa pagpapanatili ng health & safety ng lahat.

Bago bumalik sa opisina, basahin at tandaan ng mabuti ang regulations na ito para alam mo kung ano ang gagawin at any given time.

#3: Magsuot pa rin ng face mask.
Sometimes, it can be tempting na tanggalin ang iyong face mask, lalo na kung nangangati ang mukha o nahihirapang huminga. Pero alam rin natin na ito ay
nagsisilbing primary protection.

Kadalasan kasi, ang mga virus at bacteria na sanhi ng mga sakit ay “airborne” kaya dapat protektado ang iyong mukha, lalo na ang ilong at bibig kung saan maaaring
pumasok ang mga ito. Kaya magdala rin ng extra face mask, para handa ka kapag nadumihan, nasira, napigtas, o nahawakan ang iyong suot.

#4: Maghanda ng mga health and safety essentials.
Kung ikaw ay sasakay sa pampublikong transportasyon tulad ng jeep o bus, magdala ng extra alcohol at tissue o wet wipes. May mga germs o bacteria kasi na maaaring dumikit sa pera o ibang gamit na dala sa biyahe. Kaya kapag nahawakan din ang mga gamit ng mga nakasabay sa biyahe, linisin agad ang mga kamay.

Huwag rin kalimutan ang extra alcohol at tissue sa opisina. Pwede mo gamitin ang mga ito para linisin ang iyong lamesa o desk kada araw para hindi maipon ang dumi.

#5: Maghugas ng kamay as much as possible.
Matagal nang napatunayan na ang paghuhugas ng kamay ay nakakatanggal ng mga germs at mikrobyo. Dahil dito, mapipigilan ang mabilisan at malawakang paglaganap ng mga sakit at infection.

Laging maghugas ng kamay for 20 seconds (kasing-tagal ng pagkanta ng isang Happy Birthday song) bago at pagkatapos kumain at humawak ng gamit o surface na nahahawakan ng ibang tao. Huwag ring kalimutang maghugas ng kamay pagkatapos gumamit ng palikuran, umubo, bumahing, o hawakan ang basura.

#6: Kapag may nararamdamang sintomas ng sakit, sabihin ito kaagad sa kinauukulan.
Nakakaramdam ka na ba ng sintomas ng sakit tulad ng ubo, sipon, o sakit ng ulo? Mas mabuting ipagpaliban muna ang pagpunta sa iyong opisina at magpahinga.
May mga buildings o workplaces rin kasi na maaaring ‘di nagpapapasok ng mga taong may malinaw na sintomas ng sakit.

Sabihan mo rin kaagad ang mga taong nakausap o nakasalamuha mo tungkol sa’yong sitwasyon o nararamdaman, para ma-monitor rin nila ang kanilang mga sarili.

Depende rin sa mga patakaran sa inyong opisina, maaaring sumailalim sa isolation o quarantine para mapigilan ang pagkalat ng sakit. Kapag lumala ang iyong sintomas for at least five days, magpa-test ka na for COVID-19, per guidelines ng Department of Health (DOH).

Kung may nararamdaman na ubo, sipon, o sakit ng ulo, huwag na mag-alinlangan at uminom agad ng Dextromethorphan HBr Phenylpropanolamine HCl Paracetamol (Tuseran® Forte).

Maryoong itong:
     •Dextromethorphan HBr na tutulong sa pagtigil ng ubo
     •Phenylpropanolamine HCl para sa baradong ilong at sinuses
     •Paracetamol na tutulong laban sa sakit ng ulo at lagnat.

Interesadong malaman kung paano pa makatutulong ang Dextromethorphan HBr Phenylpropanolamine HCl Paracetamol (Tuseran® Forte) sa’yo? Bumisita sa website na ito for more information!

If symptoms persist, consult your doctor.
ASC REF CODE U124P051922TS

References:
https://doh.gov.ph/node/33579
https://www.ouh.nhs.uk/working-for-us/staff/covid-staff-faqs-masks.aspx
https://www.cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/community/guidance-business-response.html#anchor_1609683680044
https://www.cdc.gov/handwashing/why-handwashing.html
https://health.clevelandclinic.org/returning-to-work-soon-here-are-some-ways-to-make-the-process-easier/
https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/adult-health/in-depth/hand-washing/art-20046253

Was this article helpful?