fbpixel

Our website uses cookies to help enhance your browsing experience. Continue to browse our site if you agree to our use of cookies as described in Unilab's Cookie Policy .

For information on how we protect your privacy, please read our Privacy Policy .

Skelan Banner

Kapag may sayang itinanim, may sayang aanihin

Mga kwento ng mga apo na ipinagmamalaki ang kanilang mga lolo at lola.

Kapag may sayang itinanim, may sayang aanihin

Malaking tulong sa mga senior citizens ang paghahalaman. Isa ito sa kanilang libangan at paraan para manatiling aktibo at masaya lalo na ngayong may pandemya. Kaya naman sinimulan ng Naproxen Sodium (Skelan) ang Skelan Senior High—isang advocacy program para patuloy na maging masigla at masaya ang ating mga nakatatanda kahit na limitado ang kanilang pag-alis sa bahay ngayong kalat pa ang COVID-19. Gusto ng Naproxen Sodium (SKELAN) na magkaroon sila ng lakas ng loob at katawan sa pamamagitan ng pagbabahagi ng pwede nilang mga gawin at pagkaabalahan sa bahay, tulad ng gardening.

Sa tulong ni Jimmy “Late Grower” Tolentino, isang Youtube personality na bihasa sa gardening, sinimulan ng Skelan Senior High ang series ng mga video na tutulong sa mga seniors para mas mapalago pa ang kanilang kaalaman sa paghahalaman. Dahil dito, nakatutuwa na maraming mga apo ang nag-post sa Facebook para ipagmalaki ang kanilang mga lolo at lola na patuloy na nag-aalaga ng mga halaman kahit na may edad na at may mga nararamdaman na pananakit sa katawan, tulad ng arthritis.

Sari-saring kwento ang kanilang ibinahagi, isa na rito ang kwento ni Lola Adelfa. Ayon sa kanyang apo na si Jen Doro, kahit na 72 taong gulang na ang kanyang lola ay araw-araw pa rin gumigising nang maaga para mag-alaga ng halaman. Di raw hadlang kay Lola Adelfa ang rayuma. Buti na lang daw at naka-Naproxen Sodium (SKELAN) ang kanyang lola kaya nakakapag-buhat pa ng mga paso, nakakapag-dilig, at napaparami pa ang mga tanim na bulaklak. Sabi ni Jen sa kanyang post, para sa kanyang lola ang pagtatanim ay ‘di lang nagpapaganda ng kanilang paligid, ito rin ay nagsisilbing ehersisyo araw-araw. Kaya naman kahit ‘di nakalalabas ng bahay ay mas masaya pa rin si Lola Adelfa.
 

Si Katherine Sicat naman ay nag-post tungkol sa kanyang Lolo Nicolas. Mula nang nagkaroon ng lockdown ay tumigil na raw sa pagtatrabaho ang kanyang lolo. Naghanap daw ng pagkaka-abalahan si Lolo Nicolas kaya nagsimulang magtanim ng herbal plants. Sabi ni Katherine, ayos na ayos pa raw ang buto-buto ng kanyang lolo dahil kahit na may iniindang rayuma ay naka-Naproxen Sodium (SKELAN) naman. Dagdag pa niya, ang mga tanim daw na herbal plants ni Lolo Nicolas ay para sa lola nila. Ang sweet di ba? At hindi lang ‘yan, bukal sa loob din na ibinabahagi ng kanyang lolo ang mga tanim sa mga kapit-bahay na nangangailangan.

Ilan lamang yan sa kwentong nagpapatunay sa kakayahan at kahalagahan ng ating mga lolo at lola. Kaya kaisa nila ang Skelan Senior High sa pagpapasagana pa ng kanilang kaalaman para mas maging aktibo at mas sumaya sila anuman ang nararanasan o pinagdaraanan.

Panuorin ang video na nabuo mula sa mga kwento ng mga apo na buong-pusong ipinagmamalaki ang kanilang mga lola at lola.

Pumunta lang sa Facebook Page ng Naproxen Sodium (SKELAN) upang maging updated sa lahat ng Skelan Senior High events at helpful information na siguradong ikatutuwa ninyo. 

Sama-sama tayong magdiwang ng mas masaya at mas makahulugang Grandparents’ Day!
Sa ating mga lolo at lola, maraming Salamat po. Proud kami sa inyo.

To know more about arthritis and how Naproxen Sodium (SKELAN) can help you, pumunta sa Skelan webpage (https://www.unilab.com.ph/skelan-220mg/why-take-skelan). Mas masaya! Mas Magaling! May anti-maga na wala ang Paracetamol. 

ASC Ref. U163P090621SS
If symptoms persist, consult your doctor.  

Was this article helpful?

Related Products