Naranasan mo na bang magkasakit, pero sa halip na gumaling ka ay mas nakaramdam ka ng matinding panghihina, sakit ng katawan, sakit ng ulo, at lagnat? Kung nabigla ang katawan mo at hindi ka nakapagpa-galing ng husto, maaaring binat ang nangyari sa iyo. Ito ang dahilan kung bakit madalas nating marinig ang mga salitang “Magpagaling ka ng husto, baka mabinat ka". Pinapaalala nito sa atin na iwasan ang mabinat dahil maaari itong magdulot ng mas malaking problema sa kalusugan.
Ano ang binat?
Ang binat o relapse sa English, ay isang medical condition kung saan hindi ganap na nakapagpagaling ang iyong katawan mula sa sakit. Kadalasan ay nangyayari ito kapag ikaw kasalukuyang nagpapagaling, pero sa gitna ng recovery period mo ay bumalik ka uli sa pagkakasakit. Madalas ay makakaramdam ka ng mas malalang panghihina, pagod, sakit ng katawan, sakit ng ulo, at lagnat na ang resulta ay mas matagal na lubusang pag-galing.
Mga Klase ng Binat
Sino ang maaaring makaranas ng binat at anu-ano ang klase ng binat na pwedeng mangyari sa isang to? Ang binat ay maaaring mangyari sa:
-
Karaniwang maysakit
Ang isang taong maysakit na hindi nakapagpagaling ng husto ay maaaring makaranas ng binat. Kapag na pwersa ang katawan at hindi ito nabigyan ng pagkakataong maka-recover ng buong-buo at maibalik ang lakas, ito ang maaaring mangyari. Sakit sa ulo at katawan, lagnat, matinding panlalata, at panghihina. At sa halip na gumaling agad ay lalong mapapatagal ang recovery period. -
Bagong panganak
Ang mga babaeng bagong panganak ay pwede ring makaranas ng binat. Ang panganganak ay isang major operation at kinakailangan nito hindi lang ang lubos na pahinga kundi ang pagbabalik ng nawalang lakas dala ng matinding trauma na nangyari sa katawan dahil sa operasyon. Normal delivery o caesarian man, ang mga bagong panganak ay maaaring makaranas ng binat kapag pinwersa ang sarili na kumilos agad. Maaari rin itong mangyari kapag ang ina ay hindi nakabawi ng sapat na tulog.
Sanhi ng Binat
Maraming dahilan para mabinat ang isang tao. Ito ay ang mga sumusunod:
-
Pagpapagod
Ang pagpapagod habang maysakit ay isang malaking dahilan ng binat. Ito ay dahil sa hindi nabibigyan ang katawan ng sapat na pagkakataon na makabawi ng lakas. Nagagamit agad ang kaunting energy reserve ng katawan at hindi ito nabibigyan ng pagkakataon na makapag-recharge. -
Stress
Hindi lang pisikal na pagpapagod ang maaaring maging sanhi ng binat. Ang emotional o mental stress ay maaari ding maka-binat sa isang taong maysakit. Kapag hindi lubos na nakapagpapahinga ang isip, lumilikha ang katawan ng stress hormones na nakaka-apekto sa kalusugan. -
Kakulangan sa Nutrisyon
Ang kakulangan ng nutrisyon ay isa ring dahilan ng binat. Hindi nabibigyan ng sapat na sustansya ang katawan na tutulong sa pagpapanumbalik ng lakas at kalusugan, at pagpoprotekta sa katawan laban sa maaaring maging komplikasyon ng sakit. -
Puyat
Kapag ang isang taong nagpapagaling sa sakit ay walang sapat na tulog, malaki ang posibilidad na siya ay mabinat. Sa pamamagitan kasi ng tulog nare-repair ang mga tissues ng ating katawan. Kaya ang kakulangan sa tulog ay kakulangan din sa pagkakataon na maisa-ayos ang kalusugan.
Sintomas ng Binat
Habang nagpapagaling, nakaramdam ka ba ng matinding sakit ng ulo, mas malalang panghihina, lagnat, o panlalata? Baka binat na yan. Narito ang ilang mga sintomas ng binat:
- Panlalamig
- Sakit ng katawan
- Sakit ng ulo
- Lagnat
- Pagod, panghihina, o panlalata
- Pagpapawis
- Dehydration
Solusyon sa Binat
Anu-ano ang maaaring gawin laban sa binat? Basahin ang mga sumusunod:
-
Magpahinga
Siguraduhing may sapat na tulog (8 oras) para makabawi ang katawan at matulungan itong makapag-recharge. Umiwas sa kahit anong mental o emotional stress dahil ang pagod sa isipan ay may direktang epekto sa kalusugan at maaaring makasama sa katawan. -
Kumain ng masustansya
Habang nagpapagaling sa sakit o nagpapalakas ng katawan galing sa operasyon, kailangan ng katawan ang tulong ng nutrisyon upang makapag-supply sa katawan ng sapat na bitamina na tutulong para sa tuluyang pag-galing. Sa pamamagitan ng masustansiyang pagkain, nabibibigyan ng suporta ang katawan para ganap na bumalik ang dating lakas at kalusugan. -
Iwasan ang pisikal na pagpapagod
Hanggat maaari, ireserba ang lakas ng iyong katawan. Nangangailangan ang katawan ng sapat na panahon para tuluyang maibalik ang dating lakas at sigla. Hindi ito magagawa ng ilang araw lang, kaya iwasan ang pisikal na pagpapagod habang nagpapagaling. -
Uminom ng Paracetamol + Caffeine (Rexidol Forte)
Banatan ang binat gamit ang Paracetamol + Caffeine (Rexidol Forte). Ito rin ay nagbibigay ginhawa sa iba pang sintomas na dulot ng binat tulad ng sakit ng ulo, sakit ng katawan, at lagnat. Mabibili ang Paracetamol + Caffeine (Rexidol Forte) sa leading drugstores nationwide sa halagang Php 5 SRP kada tableta.
If symptoms persist, consult your doctor.
ASC Reference No. U0105P062723R