fbpixel

Our website uses cookies to help enhance your browsing experience. Continue to browse our site if you agree to our use of cookies as described in Unilab's Cookie Policy .

For information on how we protect your privacy, please read our Privacy Policy .

Pambatang Solmux
Basahin mo ito kung inuubo si baby

Anong Mga Pwedeng Gawin Kapag May Ubo Si Baby?

Alamin ang mga tips upang mapanatili ang ginhawa ng iyong baby kapag sila ay inuubo. Basahin ang praktikal na gabay na ito.

Medically Inspected by: Ma. Lourdes G. Genuino, MD - Medical Director

Bilang mga magulang, nakakalungkot makita ang mga babies o sanggol na naaapektuhan ng sunod-sunod na pag-ubo. Masyado pa kasing maliit at sensitibo ang kanilang mga katawan para sa ganitong sintomas, at hindi pa kaya ng kanilang resistensya na labanan ang mga sakit.

Sa bawat pag-ubo ng mga babies, posibleng humina ang kanilang katawan. Dahil dito, hindi maiiwasang mag-alala ang mga magulang, na minsan ay napupuyat pa para maalagaan ng husto ang mga bata.

Alamin ang ilang mga tips and tricks na makakatulong sa pag-aalaga sa mga babies kapag sila ay inuubo. Sa ganitong paraan, magiging mas kalmado ang isip mo habang inaalagaan ang kalusugan ni baby at ng pamilya.

Dagdag Kaalaman Tungkol sa Ubo
Bakit nga ba inuubo ang mga tao, bata man tulad ng sanggol o matatanda? Ang pag-ubo ay actually isang espesyal na reflex na gumagana para protektahan ang airways at baga o lungs laban sa mga irritants.

Ang ubo ang nag-aalis ng hangin at mga particles mula sa baga at lalamunan. Kaya mga mommies at daddies, huwag masyadong mabahala. Ang pag-ubo ng mga babies ay isang normal na bahagi ng paglilinis ng lalamunan at airways laban sa germs, plema, at alikabok.

Kapag inuubo ng husto si baby, huwag mag-panic. May mga lunas na angkop at makakatulong sa pagbibigay ginhawa sa kanila. Narito ang mga pwede mong gawin para maagapan ang anumang discomfort na kanilang nararamdaman:

  • I-angat ang kanilang ulo kapag sila’y matutulog: Para sa mga sanggol na 12 months pataas, ang pinakaligtas na posisyon ng pagtulog ay kapag nakasandal ang kanilang likod.

    Pero kapag inuubo-ubo sila, kung maaari ay itaas ang kanilang ulo gamit ang kanilang mga unan. Makakatulong ito sa pagpapagaan ng paghinga at maiwasan ang pagdaloy ng plema sa pabalik sa kanilang lalamunan o baga.

Paalala sa mga Magulang: Huwag gumamit ng unan o iba pang positioners para sa mga sanggol na hindi pa umabot ng 12 buwan. Sa halip, konsultahin ang inyong pediatrician para malaman kung pwede nang itaas ang mga unan sa crib ng mga sanggol para matulungan silang makatulog.

  • Siguraduhing may sapat na humidity sa kwarto ni baby: Subukang gumamit ng humidifier sa kwarto para mas komportable sila habang nagpapahinga. Mahalaga ang tamang level ng humidity kapag nag-aalaga ng sanggol na may ubo dahil dinagdagan nito ng moisture sa kapaligiran at sa airways. Dahil dito, posibleng mapadali ang paglabas ng plema.

    Ayon sa pananaliksik, ang optimal na humidity para sa kwarto ng mga baby ay nasa pagitan ng 40% to 60%.

Sapat ang breastmilk sa mga sanggol na exclusively breastfed. Maaring magbigay ng cooled boiled water sa mga sanggol na nakaformula lalo na kung mainit ang panahon.

Kung wala pang isang taon si baby, huwag siya bigyan ng ibang inumin maliban sa formula milk o breast milk.

  • Kausapin ang trusted pediatrician: Sa unang senyales ng ubo, kumonsulta sa pedia para sa tamang gabay. Ang kanilang payo ay mahalaga upang matiyak at maisagawa ang tamang pag-aalaga.
     
  • Painumin ang sanggol ng gamot na tutulong kontra sintomas ng ubo: Siguruhing laging handa at mayroong gamot sa bahay na inirekomenda ng pedia para sa ubo ng mga sanggol. Makakatulong ang mga gamot na ito sa pag-agap ng mga sintomas ng ubo sa mga babies.

Tanggal Plema at Tapos ang Ubo sa Tulong ng Gamot na Ito
Kapag inuubo na ang mga bata, aksyunan ito kaagad. Subukan ang Carbocisteine (Solmux®) for Kids and Babies! Bilang #1 Cough Medicine Brand for Kids*, mayroon itong lung-cleaning action na tutulong sa pagtunaw ng plema. Dahil dito, mas mapapadali ang paglabas nito sa katawan at makakatulong sa pagbigay-ginhawa sa sanggol.

*Source: PMDI, IQVIA SOLUTIONS PHILIPPINES, INC., reprinted with permission - R05C EXPECTORANTS in D - ORAL LIQUID ORDINARY in Values covering the period: MAT December 2023 (January 2023 – December 2023)

Bukod dito, ang Carbocisteine (Solmux®) ay nagbibigay rin ng proteksyon laban sa pagkalat ng bacteria. Kapag mas malinis ang baga, tumitigil ang pag-ubo at mas lumuluwag ang paghinga ng mga bata.

Alamin: Suggested Use ng Gamot na Ito
Gaano karami at gaano kadalas dapat gamitin ang gamot na ito? Narito ang suggested use ng Carbocisteine (Solmux®) para sa mga batang:

  • 1 hanggang 2 taong gulang Bawat 6 oras: 1.5 mL
  • 2 hanggang 3 taong gulang Bawat 8 oras: 5 mL (1 kutsarita) o 2.5 mL (1/2 kutsarita)
  • 4 hanggang 7 taong gulang Bawat 8 oras: 10 mL (2 kutsarita) o 5 mL (1 kutsarita)
  • 8 hanggang 12 taong gulang Bawat 8 oras: 15 mL (3 kutsarita) o 7.5 mL (1 1/2 kutsarita)

Pwede ring magbigay ng rekomendasyon ang pediatrician pagdating sa dose ng gamot na ito. Mabibili ang Carbocisteine (Solmux®) online o sa mga leading drugstores nationwide at a suggested retail price (SRP) of Php116.09 (100 mg Syrup 60 mL), Php122.37 (200 mg Syrup 60 mL), o Php185.99 (200 mg Syrup 120 mL).

If symptoms persist, consult a doctor.

ASC Reference No. U0089P091024S

https://www.nichd.nih.gov/sites/default/files/publications/pubs/Documents/NICHD_Safe_to_Sleep_brochure.pdf
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC7144689/
https://www.babysleepscience.com/single-post/2019/01/22/its-winter-do-you-need-a-humidifier-in-your-childs-room
https://www.healthline.com/health/baby/how-to-help-baby-with-cough
https://www.healthline.com/health/parenting/baby-feeding-schedule
https://www.healthline.com/health/baby/how-to-help-baby-with-cough#have-a-kit
https://www.medicalnewstoday.com/articles/322228#six-humidifier-uses-and-their-benefits
https://www.lung.org/lung-health-diseases/warning-signs-of-lung-disease/cough/learn-about-cough

Was this article helpful?

Related Products