fbpixel

Our website uses cookies to help enhance your browsing experience. Continue to browse our site if you agree to our use of cookies as described in Unilab's Cookie Policy .

For information on how we protect your privacy, please read our Privacy Policy .

Liverprime
Alamin: Take Care of Your Liver Bago pa Lumala

Alamin: Take Care of Your Liver Bago pa Lumala

Alamin kung paano maaalagaan nang mabuti ang atay bago ito lumala.

Medically Inspected by: Dr. Ma. Carla D. Sibulo, MD

Maraming important functions ang ginagampanan ng atay pagdating sa kalusugan ng katawan. Gaya ng pag filter ng toxic substances sa ating mga pagkain, ating mga gamot, and even the harmful acids na produced ng ating katawan. 

Ngunit may mga pagkakataon na hindi nababantayan ang kalusugan ng atay at dumadami ang taba o fat na namumuo rito. 

Ang resulta? Mga sakit tulad ng nonalcoholic fatty liver disease na pwedeng magdulot ng sari-saring komplikasyon tulad ng liver cirrhosis (peklat na makikita sa atay). Kapag hindi naaksyunan ang liver cirrhosis, maaari itong maging sanhi ng liver cancer at ng end-stage liver failure.

Walang symptoms ang fatty liver disease. Pero bago pa ito lumala, hinihikayat ng mga doktor at eksperto ang maagang pagsusuri o check-up sa atay. Maaaring ma-screen agad kung may problema ang liver para mabigyan ng right treatment at maagapan ang paglunas.

Bukod sa mga check-up, highly-recommended ang lifestyle changes para bumuti ang kalusugan ng atay at maiwasan ang paglala ng sakit. Ilan sa mga paraan na maaaring gawin para palakasin at patibayin ang atay ay ang mga sumusunod:

  1. Iwasan ang pag-inom ng alak: Ayon sa pag-aaral, ang atay ay nagkakaroon ng matinding pinsala kapag napadami ang alak.
    Nababawasan ang healthy liver cells tuwing sinasalin nito ang mga toxins mula sa alak Bagamat posibleng magregenerate ng healthy liver cells, humihina ang liver function pag paulit-ulit itong inaabuso.  Nababawasan ang kakayahan ng atay na gumawa ng panibagong liver cells kapag paulit-ulit at patuloy ang pag-inom ng alak.
     
  2. Mag-ehersisyo: May fatty liver risk factors man o wala, malaki ang papel ng pag-eehersisyo sa pagpapabuti ng iyong kalusugan. Bukod sa pagpapalakas ng iyong katawan, pwede ring mabawasan ang iyong timbang. Ayon sa mga pagsusuri, ang pagiging overweight at pati na rin ang obesity ay isang “risk factor” para sa sakit sa atay.
     
  3. Makakatulong din ang ehersisyo na bawasan ang inflammation at taba sa atay, pati na rin ang overall body fat.
    Pwede kang kumunsulta sa isang doktor tungkol sa nararapat na ehersisyo o workout para sa iyong kondisyon upang maiwasan ang injury. 
     
  4. Sundin ang isang masustansyang diet: Labanan ang epekto ng fatty liver sa tulong ng iyong diet. Para palakasin ang iyong atay, kumain ng maraming gulay tulad ng broccoli, spinach, carrots, at bawang (garlic), at prutas tulad ng avocado, pakwan, at papaya. Huwag ring kalimutan ang mga whole grains at lean protein o karne.
    Makakatulong rin sa pagpapabuti ng atay ang pagkain ng oatmeal, almonds, kape, at green tea. Higit sa lahat, uminom rin ng maraming tubig.
     
  5. I-consider ang supplements para sa atay: alamin ang tungkol sa mga supplement tulad ng Natural Solutions Liverprime Food Supplement. 



Ang Natural Solutions Liverprime Food Supplement ay specially formulated para makatulong sa pag-alaga ng iyong atay with proper diet and healthy lifestyle.
Mabibili ang Natural Solutions Liverprime Food Supplement online o sa mga leading drugstores nationwide sa halagang Php38.75 SRP per capsule

Magpa-check up na bago pa lumala ang kondisyon. Along with proper diet and exercise, help take care of your liver now.

MAHALAGANG PAALALA: ANG NATURAL SOLUTIONS LIVERPRIME FOOD SUPPLEMENT AY HINDI GAMOT AT HINDI DAPAT GAMITING PANGGAMOT SA ANUMANG URI NG SAKIT.

ASC Reference Code U0166P101023L

References:

https://www.sciencedirect.com/science/article/abs/pii/S0891584912000858?via%3Dihub 

https://ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC1774127/ 

https://www.nhs.uk/conditions/cirrhosis/ 

https://www.nhs.uk/conditions/alcohol-related-liver-disease-arld 

https://www.webmd.com/hepatitis/ss/slideshow-best-and-worst-foods-for-your-liver 

https://www.webmd.com/hepatitis/ss/slideshow-foods-help-liver 

https://columbiasurgery.org/liver/liver-and-its-functions 

https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/liver-anatomy-and-functions 

https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/15831-fatty-liver-disease 

https://www.hopkinsmedicine.org/health/wellness-and-prevention/5-ways-to-be-kind-to-your-liver 

https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/nonalcoholic-fatty-liver-disease 

https://pennstatehealthnews.org/topics/how-patients-with-liver-disease-can-benefit-from-exercise/ 

https://www.healthline.com/health/fatty-liver-diet 

https://www.medicalnewstoday.com/articles/323915#12-best-foods 

Was this article helpful?