fbpixel

Our website uses cookies to help enhance your browsing experience. Continue to browse our site if you agree to our use of cookies as described in Unilab's Cookie Policy .

For information on how we protect your privacy, please read our Privacy Policy .

Immunpro Banner
Biyahe Tips: Paano Maging Handa ang Iyong Resistensya

Immunpro Gen Health

Biyahe Tips: Paano Maging Handa ang Iyong Resistensya

Alamin ang mga tips para mapalakas ang resistensya habang nasa biyahe.

Medically Inspected by: Roland M. Panaligan, MD

Excited ka na ba para sa isang bakasyon kasama ang pamilya o mga kaibigan? Kung na-miss mo ang bumiyahe, ngayon na ang pagkakataon para puntahan ang iyong mga dream destinations!

Pero kung nag-aalala ka dahil sa hawaan ng sakit sa paligid, magagawan ito ng paraan. Pwedeng-pwede palakasin ang iyong resistensya kahit nasa biyahe ka! Tandaan lamang ang mga tips na ito na tutulong sa pagpapalakas ng iyong katawan.

1. Magpabakuna. Kadalasan, ang isa sa mga requirement para sa mga biyahero ay ang bakuna, lalo na laban sa COVID-19. Ang mga bakuna ay tumutulong protektahan ang katawan laban sa mga sakit. Ito’y dahil pinapalakas nito ang natural na depensa o immunity ng katawan.

2. Magdala ng sariling 18 or 20 oz. na water bottle: Malaking advantage ang pagdadala ng sariling water bottle sa bakasyon. Una sa lahat, makakatipid ka dahil hindi mo kailangan bumili ng tubig palagi. Pangalawa, may posibilidad na hindi available ang tubig sa iyong destinasyon.

Pangatlo, ang pag-inom ng tubig ay inirerekomenda ng mga eksperto para tumibay ang resistensya. Habang ika’y nagbabakasyon, mas madalas kang naglalakad o gumagawa ng iba’t ibang activities, kaya posible na mapagod at mauhaw ka.

Mahalaga ang tubig para sa optimized na pagkilos ng katawan, at ng mga cells at organs nito. Kapag nasa ibang lugar, maging maingat lang sa pinagmulan ng tubig at siguraduhin na malinis ito upang maiwasan ang magkasakit.

Ayon sa mga eksperto, ang mga lalaki ay hinihikayat uminom ng 13 cups o 3 liters, habang ang mga babae naman ay inirerekomendang uminom ng 9 cups o 2 liters. Ngunit, tandaan lamang na ang dami ng tubig na dapat inumin sa isang araw ay nagbabago-bago depende sa tao at kanyang lifestyle. Ang rule of thumb ay, kung ikaw ay nauuhaw na, uminom agad ng tubig.

3. Siguraduhin na makakatulog ng maayos: Saan ka man pumunta, siguraduhin na makakakuha ka ng pito (7) o mahigit pang oras ng tulog. Ang pagtulog at pagpapahinga ay importante para sa resistensya. Habang ika’y natutulog o nagpapahinga, ang iyong katawan ay nagpapalakas. Kasabay nito ay lumalakas din ang iyong immune system, at mas malalabanan nito ang mga mikrobyong maaaring pagmulan ng sakit.

Ayon sa mga pag-aaral, ang kakulangan sa tulog ay maaaring maging sanhi ng maraming problema, tulad ng sobrang pagka-antok. Bukod dito, ang isyu na ito ay maaari rin magdulot ng kakulangan sa pagiging alerto at kapansanan sa memorya o impaired memory.

4. Magdala ng masustansyang baon sa biyahe: Kung kakayanin at may espasyo pa sa bag o bagahe, magdala ng mga masustansyang snacks tulad ng dried fruits or vegetables, nuts, whole-grain food, o snack bars.

Ang mga masustansyang baon ay mayroong mga vitamins, minerals, at nutrients na pwedeng magpalakas sa iyong katawan kahit ikaw ay “on-the-go.” Samantala, huwag rin kalimutan na suriin ang mga pagkain na nasa menu ng iyong destinasyon at piliin ang mga pagkain na masustansya. 

5.Ugaliing magdala ng wet wipes and/or alcohol. Huwag kalimutan ang mga gamit na ito sa iyong bagahe! Kung may pagkakataon rin, maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig.

Ang paglilinis ng kamay ay makakatulong sa pag-alis ng mga dumi at mikrobyo na maaaring nakuha mula sa iba’t ibang lugar. Ang pagpapanatili ng kalinisan, hindi lang sa kamay, kung hindi sa katawan, ay makakatulong sa iyong depensa laban sa sakit na maaaring ikasira ng iyong bakasyon. 

Palaging maglinis o maghugas ng kamay pagkatapos gumamit ng banyo o palikuran, bago kumain, at pagkatapos humawak ng high-contact surfaces o items tulad ng doorknobs, bagahe, railing, o ATM.

Maging Handa sa Biyahe With Sodium Ascorbate + Zinc (ImmunPro)

Habang nag-eempake ka, huwag kalimutan ang mga supplement na tutulong rin sa pagpapalakas ng iyong resistensya. Magdala ka ng isang maaasahang supplement tulad ng Sodium Ascorbate + Zinc (ImmunPro)

Ang supplement na ito ay mayroong vitamin C (as sodium ascorbate) at zinc na pwedeng tumulong sa pagpapabuti ng immune health, kapag isinabay sa isang balanced at nutrient-rich na diet at madalas na pag-eehersisyo.

Higit sa lahat, ang Sodium Ascorbate + Zinc (ImmunPro) ay specially formulated with ZincPlus Tablet Technology. Tinutulungan nitong maging stable at matatag ang vitamin C at zinc na nasa loob ng capsule para matanggap ng katawan mo ang full dose ng mga nutrient na ito.

Kung may karagdagan kang tanong tungkol sa benefits ng Sodium Ascorbate + Zinc (ImmunPro) para sa kalusugan, bumisita sa website na ito.

If symptoms persist, consult your doctor.

ASC Ref. Code U188P101122IS

 

Was this article helpful?