fbpixel

Our website uses cookies to help enhance your browsing experience. Continue to browse our site if you agree to our use of cookies as described in Unilab's Cookie Policy .

For information on how we protect your privacy, please read our Privacy Policy .

Growee Syrup
Kilalanin ang Vitamin na Susi sa Pagpapatangkad

Kilalanin ang Vitamin na Susi sa Pagpapatangkad

Alamin ang halaga ng vitamin D para sa nutrisyon ng mga bata.


Paano tumatangkad ang mga bata habang sila’y lumalaki? Bilang magulang, naisip mo na rin siguro ang tanong na ito. Dito maaaring pumasok ang iba’t ibang pampatangkad na vitamins at nutrients na tutulong para sila’y lumaking malusog at matangkad. Isa na rito ang vitamin D o mas kilala bilang “sunshine vitamin.”

Nabubuo ang vitamin D sa balat ng tao kapag sila ay exposed sa araw, pero pwede rin itong makuha sa mga pagkaing tulad ng egg yolks, fortified cereals, gatas, at orange juice. May mga supplements rin na may vitamin D sa kanilang formula.

Matagal nang pinag-aaralan ang mga health benefits ng bitaminang ito pagdating sa kalusugan ng mga tao, lalo na sa mga bata. Ayon sa mga pananaliksik, may potensyal ng vitamin D bilang pampatangkad ng bata at pampalakas ng kanilang katawan.

Siguraduhing ang tamang paglaki ng iyong mga chikiting sa tulong ng vitamin D! Alamin ang iba't ibang benefits ng vitamin D at ang posibleng epekto nito sa katawan.

Ano Nga Ba ang Benefits ng Vitamin D?
Matagal nang pinag-aaralan ng mga eksperto ang epekto at mga benefits ng vitamin D pagdating sa kalusugan ng mga tao. Ayon sa pananaliksik, makakatulong ang vitamin D sa kalusugan ng mga bata, lalo na sa:
  1. Pagbabawas ng panganib sa vitamin D deficiency: Ito ay ang kakulangan ng vitamin D sa iyong katawan. Ayon sa mga datos, 1 bilyong katao sa buong mundo ang apektado ng kondisyong ito.
     

    Kapag hindi naagapan ang vitamin D deficiency, maaaring maranasan ang mga sintomas tulad ng sakit sa buto at kasukasuan, at paghina ng muscles. Ang vitamin D deficiency ay maaari ring maging isang “factor” o sanhi sa pagkakaroon ng iba’t iba komplikasyon tulad ng mababang levels ng blood calcium at blood phosphate, o osteomalacia o paglambot ng mga buto.

  2. Pagpapalakas at pagpapatibay ng buto: Malaki ang papel na ginagampanan ng vitamin D sa katawan dahil tumutulong ito sa absorption ng calcium. Ang nutrient na ito ang responsable sa pagpapalakas at pagpapatibay ng mga buto. Kapag matibay ang mga buto, lalo na ng mga bata, mas nakatutulong ito sa kanilang pagtangkad.
  3. Pagpapababa ng risk o panganib para sa mga sakit sa buto: Maaaring bumaba ang risk o panganib sa pagkakaroon ng sakit sa buto dahil tumutulong ang vitamin D sa absorption ng calcium na nagpapatibay ng buto.
     

    Kapag may sapat na vitamin D sa katawan ng mga bata, maaaring maiwasan ang sakit na rickets kung saan lumalambot, humihina, at sumasakit ang mga buto.

    Ayon naman sa isang pag-aaral sa JAMA Pediatrics, ang mga batang hindi nakakakuha ng sapat na vitamin D ay maaaring lumaki bilang mga adults na at risk para sa osteoporosis. Ang mga taong may osteoporosis ay may mahina at “brittle” na mga buto at maaaring maapektuhan ng mga fractures.

  4. Pagpapabilis ng growth o paglaki ng mga bata: Base sa resulta ng isang pag-aaral sa journal na PLoS One, ang mga batang may vitamin D deficiency ay nakaranas ng “increased growth” matapos mabigyan ng supplements sa loob ng anim na buwan. Ayon din sa isa pang grupo ng mga mananaliksik, ang kakulangan o deficiency sa vitamin D3 ay maaaring magdulot ng “impaired height growth” o pagbagal sa paglaki ng mga bata.
  5. Pagpapalakas ng immune system o resistensya: Gumagana ang vitamin D bilang isang “immune modulator.” Ang immune system o resistensya ang responsable sa paglaban sa mga mikrobyo o organismo na nagdudulot ng sakit. Kapag may sapat na vitamin D sa katawan, may posibilidad na lumakas rin ang depensa nito laban sa sakit.
  6. Paglaban sa inflammation: Ayon sa mga pag-aaral, mahusay ang vitamin D bilang isang anti-inflammatory nutrient na lumalaban sa mga organismong nakapagdudulot ng pinsala sa katawan.

Ayon sa Philippine Dietary Reference Intakes ng Department of Health (DOH), ang Recommended Nutrient Intakes (RNI) ng vitamin D para sa mga batang babae at lalaki ay nasa 5 micrograms (mcg) kada araw.

Siguraduhing Makukuha ng Mga Bata ang Benefits ng 100% Vitamin D
Kung naghahanap ka ng supplement na maaaring magbigay ng sapat na vitamin D para sa mga chikiting, subukan ang Growee® Syrup para sa mga batang 2 hanggang 12 years old, o Growee® Drops naman para sa mga batang 7 months hanggang 2 years old.

Kasabay ng proper diet and exercise, ang Growee® Syrup o Drops ay mayroong 100% Vitamin D (based on RENI) at Chlorella Growth Factor.

Higit sa lahat, ang Growee® Syrup o Drops ay may unique na TasteRite® technology of PediaTech® na tumutulong sa pag-alis ng di kanais-nais na lasa ng mga vitamins. Dahil dito, nakakatulong padaliing painumin ng vitamins ang mga bata.

Para sa mga bata, 5 mL or 1 teaspoon ng Growee® Syrup o 1 mL ng Growee® Drops isang beses kada araw, or as recommended ng iyong pediatrician.

MAHALAGANG PAALALA: ANG GROWEE® AY HINDI GAMOT AT HINDI DAPAT GAMITING PANGGAMOT SA ANUMANG URI NG SAKIT.

ASC Reference No. U0232P032823G

References:
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3356951/ https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5421751/ https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC9415323/ https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4928729/ https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3166406/ https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/16174483/ https://jamanetwork.com/journals/jamapediatrics/fullarticle/1212198 https://bmcpublichealth.biomedcentral.com/articles/10.1186/s12889-021-11888-1 https://www.dovepress.com/the-role-of-vitamin-d-in-immune-system-and-inflammatorybowel-disease-peer-reviewed-fulltext-article-JIR https://www.frontiersin.org/articles/10.3389/fendo.2022.920340/full https://www.cdc.gov/nutrition/infantandtoddlernutrition/vitamins-minerals/vitamin-d.html https://www.hsph.harvard.edu/nutritionsource/vitamin-d/ https://www.health.harvard.edu/staying-healthy/vitamin-d-and-your-health-breaking-oldrules-raising-new-hopes https://www.nhs.uk/conditions/rickets-and-osteomalacia/ https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/osteoporosis/symptoms-causes/syc-20351968 https://www.medicalnewstoday.com/articles/calcium-and-vitamin-d#roles https://www.medicalnewstoday.com/articles/327514 https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/15050-vitamin-d-vitamin-d-deficiency#sym ptoms-and-causes https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/15050-vitamin-d-vitamin-d-deficiency https://www.bonehealthandosteoporosis.org/patients/treatment/calciumvitamin-d http://www.pclm-inc.org/uploads/2/0/4/0/2040875/pdri-2018.pdf

Was this article helpful?