Nakakaramdam ka ba ng baradong ilong na may kasamang sakit ng ulo? Baka hindi na ito sipon o allergies - maaaring sinusitis na ito. At kapag hindi ito naagapan kaagad, maaari nitong maapektuhan ang iyong routine at daily tasks kasama na ang performance sa office or school.
Kaya’t huwag patagalin o hayaang lumala ang sinusitis. Para sa mabilis na treatment at recovery, alamin ang causes, symptoms, at mga paraan para magamot ito.
Ano Nga Ba Ang Sinusitis?
Ang sinusitis ay dala ng bacteria o virus na nagdudulot ng inflammation o pamamaga sa iyong sinuses at nasal passages. Kasama sa maaaring maapektuhan ay ang sinuses na makikita sa likod ng iyong noo, ilong, pisngi, at sa pagitan ng mga mata.
Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/asian-women-satin-nightwear-feeling-unwell-793232923
Ang sinuses ay gumagawa ng mucus na tumutulong protektahan ang katawan mula sa germs. Kapag may bacterial o viral infection, sumosobra ang dami ng mucus at ito ay maaaring bumara sa opening ng sinuses. Mahalagang malaman na may tatlong klase ng sinusitis na maaaring makaapekto sa iyo:
- Acute sinusitis: Kapag ikaw ay may acute sinusitis, mapapansing saglit o hindi nagtatagal bago mawala ang mga sintomas. Kung ito ay dulot ng viral infection, maaaring magtagal ang sintomas ng hanggang isa o dalawang linggo. Kung ito naman ay dahil sa bacterial infection, maaaring maranasan ang symptoms ng hanggang apat na linggo.
- Subacute sinusitis: Kasabay nito ang bacterial infections or seasonal allergies. Ang mga sintomas ay maaaring tumagal ng hanggang tatlong buwan.
- Chronic sinusitis: Karamihan sa mga cases ng chronic sinusitis ay dahil sa bacterial infections. Mild lang ang mga sintomas ngunit pwede itong magtagal ng tatlong buwan, at may ibang factors rin na pwede magpalala sa mga ito tulad ng structure o hugs ng icon ilong. Kadalasan, sumasabay sa chronic sinusitis ang matinding allergies.
Parehong nakatatanda at mga bata ang pwedeng makakuha ng sinusitis. Para sa mga nakatatanda, ang mga common symptoms ay:
- Lagnat (fever)
- Baradong ilong (clogged nose)
- Matubig na sipon (runny nose)
- Sakit ng ulo (headache)
- Ubo (cough)
- Kapaguran (fatigue)
- Mahinang pang-amoy (reduced sense of smell)
- Post-nasal drip (mucus na dumadaloy papunta sa iyong throat or lalamunan)
- Mabahong hininga (bad breath)
Sino Ang High Risk Para sa Sinusitis?
Iba-ibang factors ang pwedeng magpataas ng iyong risk para sa sinusitis. Dapat mag-doble ng ingat kung ikaw ay:
- May kasaysayan ng allergies
- May deviated nasal septum, kung saan ang tissue wall na nasa pagitan ng nostrils o butas ng ilong ay hindi pantay
- May nasal bone spurs (bone growths sa loob ng ilong)
- May nasal polyps (noncancerous na pagtubo sa ilong)
- May mahinang immune system
- Na-expose sa amag o molds kamakailan
- Naninigarilyo
- Nagkaroon ng upper respiratory infection kamakailan
- May cystic fibrosis, kung saan ang mucus ay pwedeng maipon sa iyong mga lungs at iba pang linings ng mucus membrane
- May dental infections o impeksyon sa ngipin o bibig
- Frequent flyer o madalas ang pagsakay sa eroplano
Kailangan Mo Bang Pumunta sa Doktor?
Kapag ikaw ay nakakaramdam na ng sintomas ng sinusitis, kumonsulta agad sa isang doktor. Para malaman kung may sinus infection ka, tatanungin ka ng doktor tungkol sa mga sintomas mo, at isasailalim sa isang physical examination. Titingnan niya kung may pressure sa iyong ulo o pisngi, at kung may pamamaga sa loob ng ilong.
Pero kapag may chronic infection ka na, maaaring irekomenda ng iyong doktor ang imaging tests. Ginagawa ito para masilip ang nasal passage at sinus para sa mga posibleng bara tulad ng polyps (isang uri ng namumuong tissue). May mga pagkakataon na sumailalim din ang mga nakakaranas ng sinusitis sa isang CT scan, MRI, allergy test, or blood test para malaman ang sanhi ng iyong kondisyon. Pero, tandaan na ito’y case-to-case basis laming.
Ano Ang Mga Posibleng Sinusitis Remedy?
Maraming paraan para maagapan ang sinusitis at kadalasan, ito’y nakasalalay sa mga sintomas o sanhi nito. Isa dito ang pag-inom ng decongestants na mabisa laban sa baradong ilong, at iba pang sintomas ng sinusitis.
Pero depende sa iyong kondisyon, heto ang mga halimbawa ng remedy o solusyon para sa sinusitis:
- Pag-inom ng decongestants na mabisa laban sa baradong ilong at sinuses
- Pain relievers laban sa sakit ng ulo
- Cough medicine para sa ubo
- Antibiotics (kapag may bacterial infection ka na)
Kung kailangan mo ng tulong para ma-decongest ang baradong sinus openings, huwag mag-alinlangan at uminom agad ng Phenylpropanolamine HCl Chlorphenamine Maleate Paracetamol (Decolgen® Forte). Sa Phenylpropanolamine HCl Chlorphenamine Maleate Paracetamol (Decolgen® Forte), mas maluwag ang paghinga, mas mahaba ang ginhawa kumpara sa karaniwang Phenylephrine-based sinusitis medicines na available over the counter dito sa Pilipinas.
Ang Phenylpropanolamine HCl Chlorphenamine Maleate Paracetamol (Decolgen® Forte) ay may 25 mg ng Phenylpropanolamine HCl na makakatulong sa pagtanggal ng bara sa ilong, 2 mg ng Chlorphenamine Maleate na makakaagap sa runny nose, at 500 mg ng Paracetamol na tumutulong laban sa sakit ng ulo o katawan, at lagnat na dala ng sinusitis, sipon, flu, at iba pang minor respiratory tract infections.
Kung gusto mo naman ng sinusitis relief na walang antok, uminom ng Phenylpropanolamine HCl Paracetamol (No-Drowse Decolgen®). Makakatulong itong maagapan ang mga sintomas ng sinusitis, sipon, flu, at ibang minor respiratory tract infections tulad ng baradong ilong, sneezing, itchy at watery na mata, runny nose, postnasal drip, sakit ng ulo at katawan, at lagnat.
Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa pag-inom ng Phenylpropanolamine HCl Chlorphenamine Maleate Paracetamol (Decolgen® Forte) o Phenylpropanolamine HCl Paracetamol (No-Drowse Decolgen®) at mga benefits nito, komunsulta sa iyong doktor o bisitahin ang website na ito. Mabibili ang Phenylpropanolamine HCl Chlorphenamine Maleate Paracetamol (Decolgen® Forte) at Phenylpropanolamine HCl Paracetamol (No-Drowse Decolgen®) sa leading drugstores nationwide.
If symptoms persist, consult your doctor.
ASC REF CODE U206P102821DS, U0104P072823D