fbpixel

Our website uses cookies to help enhance your browsing experience. Continue to browse our site if you agree to our use of cookies as described in Unilab's Cookie Policy .

For information on how we protect your privacy, please read our Privacy Policy .

Alnix banner 2022
alamin ang mga karaniwang sintomas ng allergies

10+ Sintomas ng Allergies na Dapat Bantayan

Bumabahing? Makati ang ilong? Nagluluha ang mga mata? Baka allergies na 'yan - alamin ang mga karaniwang senyales at kung paano ito maagapan kaagad.


Naranasan mo na bang maubo pagkatapos maglinis ng maduming kwarto? Namula o nangati ba ang iyong balat pagkatapos kumain? O nagkaroon ka ng baradong ilong pagkatapos hawakan ang isang aso? Kung sumagot ka ng oo sa kahit isa sa mga tanong, marahil ay nakaranas ka na ng mga sintomas ng allergy.

Nangyayari ang mga sintomas ng allergies dahil sa mga bagay tulad ng alikabok, buhok ng pets (pet dander), amag (mold), pollen, insekto tulad ng ipis, at pati na rin mga pagkain. Ilan sa mga karaniwang sintomas ng allergies na dapat bantayan ng husto ay ang mga sumusunod:

  1. Makating lalamunan
  2. Pagbahing (sneezing)
  3. Pangangati (itchiness) ng balat o mata
  4. Baradong ilong 
  5. Runny nose 
  6. Pagtutubig sa mata o watery eyes
  7. Hives o mga bumps na makati sa balat
  8. Pag-ubo
  9. Pamamaga (swelling) o pamumula (redness) ng balat o mata
  10. Pamamaga ng bibig, dila, mukha, o lalamunan
  11. Pagkahilo (dizziness)
  12. Pamumutla (paleness)
  13. Paninikip ng dibdib (chest tightness)
  14. Kahirapan sa paghinga (shortness of breath)


Kung nababahala ka sa dami ng mga sintomas na nabanggit, huwag mag-alala. Hindi lilitaw ang lahat ng mga sintomas na ito kapag may allergy ka. Ang mga sintomas na mapapansin ay magdedepende sa allergen na makakapasok sa iyong katawan. 

Saan Nagsisimula ang Mga Sintomas?
Araw-araw, nagkakaroon tayo ng posibleng exposure sa mga allergens na nagdudulot ng allergies. Nagre-react ang iyong resistensya o immune system sa mga “foreign” o hindi kilalang substances. Kapag may pumasok ang allergens sa katawan, nagsisimula ito ng produksyon ng immunoglobulin E (lgE) na isang uri ng antibody. 

Kumakapit ang mga antibodies na ito sa allergy cells sa balat, daluyan sa respiratory tract, at mucus membrane. Pagkatapos, hahanapin nila ang allergens at aalisin ito sa katawan. Habang nangyayari ito, ang allergy cells naman ay naglalabas ng histamines, o kemikal na siyang nagdudulot ng sintomas ng allergies na nabanggit.

Paano Kapag Lumala ang Sintomas ng Allergies?
Kung nararanasan ang mga nabanggit na sintomas, hinihikayat ng mga eksperto na uminom agad ng gamot para sa allergies, kumunsulta sa doktor, o pumunta sa malapit na ospital.

Sa tulong ng mga ito, posibleng maaksyunan kaagad ang mga sintomas, malaman ang sanhi, at maiwasan ang kaso ng anaphylaxis. Ito ay malalang allergic reaction na itinuturing medical emergency. Biglaan itong nangyayari at nakaka-apekto sa iba’t ibang organs o systems ng katawan. Ang karaniwang mga sintomas ng anaphylaxis ay:

  • Pagbaba ng blood pressure levels
  • Kawalan ng malay
  • Pagkahilo
  • Paninikip ng lalamunan at matinding kahirapan sa paghinga
  • Mabilis at mahinang pulso
  • Rashes na may hives
  • Pananakit ng tiyan, pagsusuka, o diarrhea

Agapan ang Sintomas ng Allergies Bago ito Lumala
Napapansin mo na ba ang pagbahing, pangangati ng ilong, o pagtutubig ng mata, dahil sa allergies? Unahan ang mga ito at huwag hayaang magambala ng husto ang pang-araw-araw na gawain.

Para Alis Allergy Symptoms sa bahay, opisina, o kahit sa biyahe, makakatulong ang most doctor-prescribed cetirizine brand Cetirizine Dihydrochloride (Alnix®) sa iyo. 

Ang Cetirizine Dihydrochloride (Alnix®) ay may antihistamine na Cetirizine Dihydrochloride na tutulong sa relief in as fast as 20 minutes. Ito ay may kakayahang agapan ang mga sintomas ng allergies tulad ng pagbahing, makating ilong, tumutulong sipon, makati at matubig na mata, at pati na rin pangangati ng balat at rashes.

Ang suggested use ng Cetirizine Dihydrochloride (Alnix®) ay one (1) tablet orally, isang beses kada araw, o ayon sa rekomendasyon ng doktor.

Mabibili ang Cetirizine Dihydrochloride (Alnix®) online at sa mga drugstores nationwide sa suggested retail price (SRP) na Php32.50 kada capsule. 

If symptoms persist, consult your doctor.

ASC Reference Code: U0195P101724A

References:
Source: PMDI, IQVIA SOLUTIONS PHILIPPINES, INC., reprinted with permission.
R06A - ANTIHISTAMINES SYSTEMIC in A – Oral Solid Ordinary and B – Oral Solid Retard format with Product Launch Year and Molecule covering the period: MAT December 2023 (January 2023 – December 2023)

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK482124/# 
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/allergies/symptoms-causes/syc-20351497 
https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/8610-allergies 
https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/8630-hives 
https://www.webmd.com/allergies/allergy-symptoms
https://www.medicalnewstoday.com/articles/317066 

Was this article helpful?

Related Products