fbpixel

Our website uses cookies to help enhance your browsing experience. Continue to browse our site if you agree to our use of cookies as described in Unilab's Cookie Policy .

For information on how we protect your privacy, please read our Privacy Policy .

2024 Alaxan Banner
Dahilan ng pamamaga sakit ng katawan

Dahilan at Solusyon sa Inflammation o Pamamaga ng Katawan

Overwork | Stress | Injury o Pinsala | Infection o Sakit | Ageing o Pagtanda | Sanhi at Solusyon sa Inflammation o Pamamaga


Normal lang sa tao ang makaramdam ng pananakit ng katawan (body pain). Pero ano nga ba ang sanhi ng sakit ng katawan?  Minsan ito ay nangyayari kapag nabubugbog sa physical na trabaho (overwork) o sa injury, pag sobrang stress, o kaya’y dulot ng mga sakit na nagreresulta sa pamamaga (inflammation).

ANG KONEKSYON NG INFLAMMATION AT BODY PAIN
Ang inflammation o pamamaga ay may kasamang pananakit ng sa iba’t-ibang parte ng katawan tulad ng sakit ng likod (back pain), binti, paa, braso, leeg o ibang parte ng katawan.(1) May iba’t-ibang sanhi at sintomas ng body pain, tulad ng: (2)

  • Body Pain from Overwork (Sobrang Pisikal na Gawain): Kadalasan, hindi man nakikita ang pamamaga sa balat pero dama ang pagod, sakit o masamang pakiramdam dahil nasa loob ang pamamaga. Pag sobrang pagod sa physical na trabaho, tulad ng pagbubuhat o paulit-ulit na matagal na paggamit ng paa o braso, nagkakaroon ng micro-tears (damage sa muscle fibers) sa parteng ito ng katawan kaya may sakit na nararamdaman.
  • Body Pain from Stress: May mga trabaho o gawain na kahit hindi physical ay nagdudulot pa rin ng sakit ng katawan tulad ng pananakit sa batok, likod, o ulo. Ito ay dahli sa stress na sanhi din ng internal acute inflammation kaya may sakit sa leeg (neck pain) o likod (back pain), o nakakaranas ng tension headache.
  • Body pain from Injury (Pinsala): Pag nasaktan ang isang parte ng katawan, nakikita sa balat ang pamumula o pamamaga, tulad pag na-sprain dahil natapilok (tripping), nagkabukol dahil nahulog (falling), o pag nasugatan (cuts & wounds).
  • Body pain from infection or illness (Sakit): Ang mga sakit tulad ng trangkaso (flu) ay may kasamang pananakit o bigat ng katawan (general body malaise) at maaring may kasama ding lagnat.  Ang sakit ng katawan ay maaaring tumagal ng ilang araw (acute inflammation). May sakit na kaya ding tumatagal ng ilang buwan o taon (chronic inflammation) na madalas nararanasan dahil sa pagtanda (3)
  • Body pain from ageing (Pagtanda): Sa pagtanda, may mga sakit na nararanasan lalo na sa kasu-kasuan (joint pain) tulad ng arthritis, sakit sa kalamnan (muscle pain).  May klase ng arthritis, ang rayuma kung saan namamaga ang kasu-kasuan.  Pagdating naman sa muscles, ito ay madaling sumakit dahil habang tumatanda, nagiging mas maliit na ang muscles kaya mas madaling ma-injure.

Sa lahat ng ito, ang dahilan ng sakit ng katawan ay ang inflammation o pamamaga mula sa loob ng katawan, nakikita man o hindi. Dahil sa ilalim ng balat, may mga fluids na naiipon at nagdudulot ng swelling sa kalamnan (tissues). At ang swollen tissues na ito ay tumatama sa nerve endings kaya nakakaramdam ng pananakit. Maaaring iba-iba ang tindi at dalas ng sakit na dulot ng pamamaga (inflammation). (4)


SANHI AT SOLUSYON SA INFLAMMATION
Ang inflammation o pamamaga ay triggered ng mga hormone na histamine at prostaglandins na nagkakaroon ang bahagi ng katawan na may pinasala (injury). (5)  Para matanggal ang sakit, sapat bang magpahid ng topical products (counterirritants)? Ang init sa balat na dulot ng topical oil, cream o gel ay nagbibigay ng warming sensation, pero pag nawala na ang init, baka kailangang magpahid ulit. Ayon sa Cochrane, isa sa pinakarespetadong organization sa medical research, naglabas sila ng meta-analyses tungkol sa counterirritant na pahid-pahid. Sinabi sa pag-aaral na ito na ang init ng pahid-pahid ay nagdadala ng iritasyon sa ugat (6). Dahil dito, hindi napapansin ang nananatiling sakit dahil sa mainit na pakiramdam (distracting from the pain through counter-irritation).  Ang mas angkop na solusyon sa inflammation - uminom ng gamot na anti-maga tulad ng ALAXAN.

BAKIT MAGALING ANG ALAXAN PARA SA BODY PAIN?
Ang ALAXAN ay may combination ng Ibuprofen at Paracetamol na may double effect ng analgesic plus anti-inflammatory (laban sa pamamaga).  Ang Ibuprofen ay isang anti-inflammatory at tina-target nito ang inflammation o pamamaga na siyang nagdadala ng sakit ng katawan. Pinagbuti ng kombinasyon ang ginhawa na ibinibigay ng Alaxan mula sa pananakit at pamamaga kaya ang ginhawa nito ay mas higit kumpara sa pag-inom ng magkahiwalay na Paracetamol at Ibuprofen tablets. (7)

Sa isang capsule ng Alaxan FR, kaya na ang iba’t-ibang klase ng body pain: back, neck, joints, feet and palm pain, muscles aches or body pain after work out. Magagamit din ito laban sa sakit ng katawan na dulot ng bigat ng katawan dala ng trangkaso (flu), sakit ng ulo (headache), sakit sa puson (dysmenorrhea) at sakit ng ngipin (toothache). (8)

If symptoms persist, consult your doctor.
ASC Reference Code: U172P040622AS, U0011P072723A, U0012P072723A, U0013P072723A

Sources:
(1) The Biochemical Origin of Pain: The origin of all Pain is Inflammation and the Inflammatory Response. https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC2771434/
(2) https://www.mayoclinic.org/symptoms/muscle-pain/basics/causes/sym-20050866. Also refer to Everything you need to know about inflammation, https://www.medicalnewstoday.com/articles/248423
(3-4) Everything you need to know about inflammation, https://www.medicalnewstoday.com/articles/248423
 (5) PubMed, Prostaglandins and Inflammation 
(6) Cochrane, Salicylate-containing rubefacients for acute and chronic https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/25425092/
(7-8) See product information on label
 

Was this article helpful?

Related Products